magicsaucer
virtual diary

kaye

Labels: , , ,
Dear kaye,
Nalulungkot ako kasi di kita makakasama sa birthday mo. Alam ko naiintindihan mo kung bakit kailangan kong pumunta dito sa Saudi at sabi mo nga okay lang naman yon para may pambili ka ng toys at milk pero syempre, gusto ko sana na nandiyan ako... kasi 7th birthday mo na at importante yon para sa daddy..

Yon nga lang hindi tumugma ang schedule na una kong binalak kaya napa-aga ang bakasyon ko at yun nga sasapit ang birthday mo bukas na wala ako.

Di bale sa susunod mong birthday gagalingan ko na lang ang pagbigkas ko ng mahabang... mahabang.... "happy birthday kaaayeeee......" at lalakasan ko pa lalo ang pag kanta ng happy birthday to you.

Sisikapin ko ring imbitahan si Ann Curtis para live mo nang makasama si dyosa at di mo na kailangang bitbitin ang tatlong version mo ng dyosa dolls na nakuha mo nung pasko...Sana nga lang hindi busy si Mareng Ann sa Birthday mo para maisingit nya ang saglit na pagdalo sa party mo sa mcdo.

Anak, kahit na iniiba mo ang usapan pag tinatanong kita kung nasagutan mo na ang assignment mo sa math, alam ko na gusto mo lang ibaling ang atensyon ko sa katotohanang magaling ka talaga sa english at language pero anak naman, kelangan din nating sagutan yung math kasi..

Kaya pasensya kana kung kahit tumambling tambling ka na kakabilang sa lahat ng mga daliri mo sa katawan at pati na rin ang mga daliri ni ate, e di pa rin kita tinatantanan.

Pagmamahal ang tawag mo dun anak.

At sa muli kong pagbakasyon sana marinig ko uli sa yo ang pagkahusay husay/makabagbag damdamin/emote na emote version mo ng awiting "all this time" ni Tiffany. At sana pagbigyan mo na rin si mommy na maki-sing along sayo kasi sa mata ng nakararami(yun ay mga mata ko, ni tito,ni ate,ni mommy,at pati na rin ang kapitbahay nating si ate luchi na nabubulabog mo alas dos ng madaling araw).. ikaw pa rin naman ang winner at ang may pinaka maraming "clap-clap" na smiley.

Happy Birthday uli Kaye.Be a good girl Always.

We love you!.


Si kaye yung nasa unahan
PBA0947p0s04
20 commented:

ang senti.

iba talaga ang may anak.

hapi bertdey! ano may cotillon din?


nakaka inis... sapul ang emo ko
(may emotions pala ako).

sa-an na ba yung mga pills ko? Parang kelangan ko ang mga yun mamaya sa pagtulog ah.
lol!


thats my dad!
taena madjik astig ahhhh

at paburito palang kantahin nung anak mo ag ALL THIS TIME na yun.. taena, makabagbag damdamin na theme song namin yun ng tropa ko sa highschool nun ahhh

sige sige

HAPPY BIRTHDAY NALANG KAY KAYE!!!


sir madjik, happy birthday sa cutie mong anak..

pero naiinis ako.. hindi sayo..hindi sa post mo.. kundi sa sarili ko..

i cant help but shed a tear while reading your psot, hait na andun ako sa comedy part ng entry mo, naiiyak pa rin ako.. ramdam na ramdam ko kase ung pagmamahal mo sa anak ko and im sure alam at ramdam din yan ng anak mo. im thinking na sana ganyan din sila saken.. sana naiintindihan din nila why they ahve to celebrate their birthdays na wala ako sa tabi nila..

naku tama na nga yan...
hapi bertdey na lang talaga sa anak mo...gusto mo bang tawagan ko si anne? ipa-cancel ko lahat ng appointments nya para maka atend sa birthday party ni kaye? ano sa tingin mo? ahihihihi


Awts! Ang sweet naman! Sana pumunta din si Ann Curtis sa berdey ko sa March. Hahaha. = P


Anonymous

first comment ko sa blog mo. wahaha.

ang cute! nakakatuwa tong blog entry na to. ang sweet. wahahah. bilihan mo na kasi ng calculator ang anak mo para hindi na kailangan mag-bilang ng daliri. (lol)


wow...ang sulat ng ama para sa kanyang mahal na anak...ang swet swet naman..nakaka inggit...

pwede ako n lng partner ni anne curtis pag iimbitahim mo xa sa sunod na bertdey, kamukha ko kasi si sam milby eh. libre n talent fee ko para sayo..lols.

happy bertdey kaye!


ang ganda ng post na ito.kapag talagang tungkol sa pagmamahal ng magulang sa anak, very dramatic.tounching. lalo na kapag ang kwento ay tungkol sa magulang na malayo sa anak para sa trabaho at may magandang kinabukasan ang mga pamilya.haayyyzz.
Happy Birthday kay Kaye! :)


Anonymous

daddy's lab ang tawag jan. iba talaga pag daddy. :) happy bday Kaye :)


happy bday kaye!

Di ko alam kong naiyak ako, or napuwing, hehe nagsenti tuloy ako sa post mo.

I admire husband and father's like that. The distance is not the hindrance to say what we feel, because the more we blog about it, the more we feel closer to them.

Thanks for the magic!


you are indeed a loving father... for me? i'll never miss what i never had...
God bless.


waaahhhhhhhh!


wala lang...na miss ko rin ang beybi ko...bday din sa jan.31.


Anonymous

Hayay ang funny ng entry na to in a cute way :)

Natawa ako dun sa math assignment part lalo.. naalala ko pamangkin ko hirap turuan mag-add sos.

Happy birthday to your dearest Kaye :)


Napadpad lang.. hehe


ponCHONG
Kris Jasper
This was supposed to be a happy post :-).. pero bat ganun?? senti ba talaga ang dating?!!LOlz
kosa
for sometime nakukulili tenga ko sa paulit ulit na all this time na yan.. sayang lang na delete yung video ni kaye habang kumakanta nyan..

namatay kasi si lappy e bwisit. LOLz
maam yanah
ayun naman pala kasi mag bebertday na rin si panganay mo kaya siguro medyo sumapul ng konte hehe.

gasdude
yaan mo ibubulong ko na rin kay mareng ann na isama na rin pati bertdey mo sa march hehe.

Tisay
wowness!! si maam tisay ohhh!!! tenks tenks talaga sa pag iwan ng bakas... sana di ito ang huli...hehehe..

di sila pede gumamit ng calculator bawal daw... e nga naman grade 1 lang si kaye e hehehe.

poging iloCANO
pangako yan james ha.. libre yung talent fee ahehehe..sam milby pala ha !! *peace* :@

Lovely
cutter pilar
iba talaga ang pagmamahal ng magulang in general.. yung anak kayang ibale wala ang magulang pero ang magulang hindi kayang balewalain ang anak.. whatever..:)

Kenji
Both siguro naiyak at napuwing hahaha.. sabi nga ni misis bakit naman ang senti ng post ko e sabi ko nga comedy talaga dapat yun e..ewan ko bat nagkaganun.

wickedcurse
gawa ka na lang ng pagkaka missan!! hehehehe!

ever
wow dami may bertdey na anakses!

happy
hi happy salamat sa pagka padpad mo dito sa haybol ko.. wag madala ha.. balik balik lang hehehe.

yung latest nga na assingment ng anak ko e addition yata ng pera..
ayun tumambling tumbling na naman..hehe


touched ako a hehe you are a sweet dad swerte mga anak mo sau and funny too hehe


Mac Callister
salamat sa compliment! :z salamat din sa pagdaan dito..


nakakangilid luha naman tong post na to. me kurot (sabay turo sa dibdib).

as in. talaga.

i'm sure habang sinusulat mo to, nangingilid din luha mo no???!


parang naiiyak ako...T_T

hays...this is one sweet post. very sincere. sana mabasa niya.

happy birthday to your daughter! :)

---
hindi pa naman ako kasing lala ni kj..hehe!

@kj: peace tayo! hehe! :P


Nakarecover na...

lol @ lucas


Anonymous

ayan addition pa ng pera.. magiingat siya kakatambling ha.. para lang makapag add eh no. Kulit :))


Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic