magicsaucer
virtual diary
Showing posts with label birthday. Show all posts

kaye

Dear kaye,
Nalulungkot ako kasi di kita makakasama sa birthday mo. Alam ko naiintindihan mo kung bakit kailangan kong pumunta dito sa Saudi at sabi mo nga okay lang naman yon para may pambili ka ng toys at milk pero syempre, gusto ko sana na nandiyan ako... kasi 7th birthday mo na at importante yon para sa daddy..

Yon nga lang hindi tumugma ang schedule na una kong binalak kaya napa-aga ang bakasyon ko at yun nga sasapit ang birthday mo bukas na wala ako.

Di bale sa susunod mong birthday gagalingan ko na lang ang pagbigkas ko ng mahabang... mahabang.... "happy birthday kaaayeeee......" at lalakasan ko pa lalo ang pag kanta ng happy birthday to you.

Sisikapin ko ring imbitahan si Ann Curtis para live mo nang makasama si dyosa at di mo na kailangang bitbitin ang tatlong version mo ng dyosa dolls na nakuha mo nung pasko...Sana nga lang hindi busy si Mareng Ann sa Birthday mo para maisingit nya ang saglit na pagdalo sa party mo sa mcdo.

Anak, kahit na iniiba mo ang usapan pag tinatanong kita kung nasagutan mo na ang assignment mo sa math, alam ko na gusto mo lang ibaling ang atensyon ko sa katotohanang magaling ka talaga sa english at language pero anak naman, kelangan din nating sagutan yung math kasi..

Kaya pasensya kana kung kahit tumambling tambling ka na kakabilang sa lahat ng mga daliri mo sa katawan at pati na rin ang mga daliri ni ate, e di pa rin kita tinatantanan.

Pagmamahal ang tawag mo dun anak.

At sa muli kong pagbakasyon sana marinig ko uli sa yo ang pagkahusay husay/makabagbag damdamin/emote na emote version mo ng awiting "all this time" ni Tiffany. At sana pagbigyan mo na rin si mommy na maki-sing along sayo kasi sa mata ng nakararami(yun ay mga mata ko, ni tito,ni ate,ni mommy,at pati na rin ang kapitbahay nating si ate luchi na nabubulabog mo alas dos ng madaling araw).. ikaw pa rin naman ang winner at ang may pinaka maraming "clap-clap" na smiley.

Happy Birthday uli Kaye.Be a good girl Always.

We love you!.


Si kaye yung nasa unahan
PBA0947p0s04
Read On 19 commented

gift icon

Yung icon! dun sa friendster. Yun nga yon.Birthday ko nga daw.
E nakalimutan kong palitan ang date ng bertdey ko kaya ayun nalaman ni marvin.
At di pa nakontento ang loko at pinamalita pa nya pati dun sa mga hindi ko prends.
So ang ending frends na kami lahat.
Yaan mo na bertdey ko naman .
wish ko world peace.

kaya nga RED ang text e.
red daw kasi ang color ng may bertdey.
yung mainit sa mata ng toro.
yung searching for love pag valentines.
yung paboritong kulay ni rosa rosal.

kulay rosas.ganyan nga.

baba na nga muna ako sa first floor..
kwento ko na lang mamaya kung ano man ang meron dun.



akala ko wala pero meron,meron ..

CHEERS!
Read On 5 commented

Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic