magicsaucer
virtual diary

Christmas Walk


Malamig na uli sa Saudi
pede na uli akong maglakad sa kalye pag naiwan ng bus pauwi
sayang din naman kasi ang pambayad sa taxi
dalawang kaha ng marlboro din yun.. saka ilang chicklet.

Malimit akong nagyoyosi pag naglalakad
nakaka walang stress kasi pagkatapos ng dose oras na pakikipag bolahan sa pasyente.
Ingat nga lang sa pagtawid tawid sa mga highway
di kasi uso ang mabagal na pagmamaneho dito.

Di rin uso dito ang overpass
kalimitan kang makikipag patintero sa kalye para makatawid
Me ilan na ring minalas na mahagip ng sasakyan
At ilan ding maswerte at umabot pa sa ospital.

habang naglalakad ako napaisip ako kung may na miss ba ako dito sa bansang ito?

well,meron naman pala.

walang smog sa Saudi.. malinis ang hangin.

Sa pagkain..
na miss ko ang patchi na chocolate,
ang broast ng al baik,
ang chicken shawarma sa ballad,
at yung kabsa malapit lang dito sa min.

At ano naman ang mga di ko na miss?

huwag na lang natin pag usapan yon.
wala naman na akong choice e.
kelangan na lang tanggapin.

pano ba yan,
magpapasko na naman.

Merry Christmas sa lahat..
Sama ko na rin Happy New Year..

lika lakad na uli tayo!


16 commented:

wala bang camel na pwede masalubong sa daan?


Anonymous

Ingat nga lang sa pagtawid baka ikaw naman ang makipagbolahan sa doktor pag nagkataon.
Nami miss ko na rin ang paglalakad ng may yosi.

Meri xmas!


Hehe, ingat ingat... xD

Oh well in advance Merry Xmas and Hapi Nu Year!


abou:
Ibang camel ang makakasalubong mo dito. naka ferrari lang naman.:p

Mike:
Knock on wood!!

reformed smoker ka nga pala.
Bukas na talaga mag ki quit smoking na talaga ako!:p

Dazedblu:
same to you dude.
added you on my roll nga pala with mike.


ako kaya kailan mo masasalubong? naks! para mabigyan nyang chocolate na yan, yun yun e! hahaha!

ingat ka dyan! Merry Christmas!


Dimples:
yaan mo next year sasalubungin ko ang bagong kasal!! LOL

imbes na bigas isasaboy ko..

PATCHI KUNG PATCHI!!! hahaha


Ive never been to KSA but it has a special place in my heart...

Mum and dad worked there for nearly 2 decades kasi...


wow 2 decades?/ thats pretty long eh.

basta dont forget to try patchi once you get the chance to be here.:p


yan din ang gawain ko dito, ang maglakad tuwing taglamig,malakas nga lang ang pagyoyosi ko tuwing taglamig,pareho tayo pards ng trip.maligayang pasko pards,sama ako sa iyong paglalakad!


Anonymous

wat's patchi? hehe!
merry xmas sau jan!

natawa ako dun sa smoking na graphics " congratulations,u have successfully installed cancer" lols!


ever:
yan may kasama na ako maglakad!:P
saka iba kasi ang feel pag malapit na winter.. kakaibang lamig na nakakapukaw ng ka emohan sa yo hehehe.

tere:
Saudi chocolate ang "patchi". dito lang yata sa mid east mina market yon and its really good. pag binigyan ka ng patchi dito it means special ka kasi medyo may pagka expensive din.


Knock on wood. LOLz. Natakot ka ba? Hehehe. Basta mag-ingat lagi at magdasal.
Meri xmas!


oi walang ganong biro hahaha.


Haha thanks... just live it up, few more days and Xmas na,

Be thankful then :)


This comment has been removed by the author.

thanks dazed. at least now i have something to look forward to.

we are heading for the beach this christmas weee!!..

hehehehe.
ang babaw ko talaga


Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magicsaucer

magic