Pag ganitong medyo nalulungkot ako. Inaaliw ko ang sarili ko sa mga kantang nagpapa indak ng aking pulso.
Sayang nga lang at wala pa akong kopya ng mga kanta ni Willie Revillame at Joey de Leon para maihanay ko na rin sila sa playlist ko, kasunod ng
"whine up" ni Kat de Luna at "gasolina" ni Daddy Yankee.
Tara at muli nating pakinggan ang awitin ni kat...
Para maibsan ang pagka bagot dito sa Saudi marami ang sumasali sa ibat ibang sosyalan. Mapa pang macho man yan o yung pang venue lang ng tsismisan, swak na swak yan dito.
Ano ano nga ba ang maaari mong pagka abalahan dito sa Saudi?..
Una mag Gym ka.
kesa naman maghapon mong titigan ang picture ng pamilya mo at nauubos ang oras mo sa kaka "day dream" e di mas maigi nang mag exercise ka na lang.Sabi nga ni abou di lang ito maganda sa kalusugan, nakaka pogi pa!. O ha.
Pangalawa mag Bible Study ka!.
Di ko pa to na try pero marami ang alam kong nag o organize nito. Kesa naman mag
Pangatlo.. sumali sa kong ano-anong Sportfest..
mapa inter department, inter baranggay, inter universe o inter galactic pa yan sumali ka!. Para next time na magkita-kita kayo ng mga ka berks mo sa canteen e may mai kwento ka naman o maisabat sa mga usapan niyo kasi malamang maa out of place ka lang kung di mo alam kung sino ang magaling pumalo, humataw, mag free throw o kung sino yung nagsilbing kakambal ng silya sa kakatapos lang na liga.
Pang apat.. Sumali sa mga Singing contest o Dance competition!.
Oo tama ang nabasa mo. meron din ditong mga paligsahan sa pag birit at pag giling.. at panahon na para ilabas mo ang tinatago mong galing... malay mo ma discover ka at ipadala ka sa Pilipinas as Saudi Representative sa Pinoy Dream Academy 2009... o kaya sa Miss Fitrum na lang.
Pang lima.. mag Shopping!.
Yon ay kung marami kang pera ha..
maganda kasi mamili dito sa Jeddah kasi dito ka makakakita ng mga Orig na designer items at murang ka ek ekan sa buhay..
kaso nga lang hindi ko afford ang mag shopping ng mag shopping kaya ang pinili ko na lang ay yung pang anim...
mag Blog.
kahit nakakahilo na ang aandap andap na libreng signal ng wifi e pinagpapatuloy ko pa rin ang pag tambay sa bintana sa ngalan ng kakuriputan!.
saka para balang araw e may babalik balikan akong kahibangan ko nung nandito pa ko sa desyerto.. o sa kung saan pa mang lupalop ako mapadpad..
7:39 AM
paborito mo pala kuya si willie.. at joey.. ahihi.. kamusta mga pasyente? hmmp..
MERRY CHRISTMAS na lang! a christmas greetings is awaiting for you in my blog. Pls. Take a look.
and also here's my greeting card. click this ECARD
Hope you like it!!! More blogging year's for us to come!! mwaaahh..
11:08 AM
iho, ayaw mo mag fishing sa corniche? mamasyal kasama mga camels sa al hamra? o kaya ay hanapin ang puntod ni Eba sa may Balad? Puntahan mo yung lumang simbahan na may krusipiho na di nila matibag sa may Balad din? Tumulong sa mga run-away na OFW's na nandiyan sa consulate na di matulungan ng sandamakmak na pinoy orgs diyan na walang ginawa kundi mag fund raising at mag pa seminar ng may bayad? Merry Christmas!
6:49 PM
LOL!
add ko lang ha:
7. Gumawa ng sandcastles.
Hey majik, pareho tayo ah?
6 tips. Kung e-chek mo yung series of ek ek tips ko, 6 ang mga yun. naka tatlong sets of 6 tips na ko...
6-6-6? YAAAAY!!!!!
10:08 AM
Yan lang talaga ang magagawa ng mga katulad natin, ang aliwin ang sarili para mabawasan ang kalungkutan pag nawalay sa ating mga mahal sa buhay sa ganitong okasyon. Merry Christmas, madjik.
3:58 PM
merry x-mas!!
yeah..magblog na lang,mas masaya!
pengeng patchi,lols!
8:37 PM
jennifer:
salamat sa pagdalaw!! ehehe parang preso lang eno?!:p
merry christmas din sa yo and yes, more blogging years for us indeed!.
wicked:
ay oo nga no idagdag natin "play tourist" in jeddah!
nagawa ko na yung iba na suggestion mo like "camel sighting" sa al hamra at puntod ni eve visit,saka yung simbahan sa mya balad...
yung fishing.. medyo di ko kasi type hahaha.. lalo na sa corniche!!. Kuya naman laking baybayin po ako kaya medyo sawa na ko sa fishing ek ek hehehe..aside from the fact na medyo mainit dito.
yung philanthropy act.. errr..
medyo madami na rin kasi sakit ng ulo ko.. saka ko na lang dagdagan!:p.
Kris Jasper:
cge dagdag din natin mag sand castle.. kaso medyo mahal mag beach dito... siguro sa corniche na lang din natin gawin arrgh!:p
aww bad omen nga!! kelangan yata gumawa ka ng another 6 ek ek tips para 6-6-6-6 na sila hehehe!.
Blogusvox:
oo nga kuya alam ko na gets mo itong mga sinabi ko kasi kaanib kita dito sa desyerto!
merry christmas din sa yo dyan sa riyadh!!.
Tere:
yaan mo sa susunod kong uwi ipagtatabi kita ng patchi!! hehehe!.. pero teka diba diabetic ka?? tikim lang ha! hehehe!:p
Post a Comment