magicsaucer
virtual diary

boxed out


Few days ago a girl went gaga over her suspicions that her husband was cheating on her. So she went amok and punched the girl suspect on the nose.

The Manny Pacquiao wannabe went home yesterday terminated leaving behind a bunch of gossip mongers wondering what really happened.

The girl suspect will also go home but as planned end of contract.

All of them were my friends and I feel sad that it has to be that way.

Whoever was telling the truth remains to be seen but I personally feel that hitting somebody at work in front everyone is not the best of ideas.

ang cheap kasi tingnan.




Type rest of the post here
Read On 13 commented

housemate


Alam mo yung tipo ng tao na pag nanonood ng movie e feel na feel ang bawat eksena ng pelikula?.. Yung nag oofer pa ng words of encouragement sa bida habang sumisirko sirko sa laban?.

oh well natagpuan ko na siya. Siya yung bago kong housemate!..hehe.

Introducing the housemate!..sa bahay ni baba(arabic term for father)(applause! applause!)

Di ko alam kung matutuwa ba ako o mayayamot sa kanya sa tuwing nanonood siya ng pelikula sa TV kasi aakalain mong kasama siya sa eksena habang hinahabol ng elepante si Robin Williams sa "Jumanji".Minsan naman habang busy ako sa pagko contemplate kung pano ko mapa level ang character ko sa mafia wars e bigla nalang may kakalabog na hindi ko mawari.. syempre si housemate lang yun as usual na na carried away na naman habang muntik nang ma deds ang bida sa "I know what you did last Summer"...

Dapat kasi talaga "High School Musical" na lang ang pina panood niya e...para, you know.. masaya!.. LOLz.

So whenever i get to be at the sala while he's watching TV, dapat may nakapasak na headphone sa tenga ko para hindi ako atakehin ng nerbyos everytime he felt the need to freak out sa bida ng pinapanood niya kasi nga naman ba't ba nagpapabugbog sa kalaban?!!!:) sos yan.

But the irony of this kwento is that he is not the only person i know who shares this habit of being so... pano ba sabihin yun?? passionate?? impulsive??..err.. whatever.basta ganon.

At least hindi naman siya yung tipong announcer sa boxing na nagbibigay ng blow by blow detalye sa bawat nangyayari sa laban... and worst..yung tipong nasa ending na ang kinukwento niya habang nasa kalagitnaan ka pa lang ng pinapanood mo...pag ganon pa siya ewan ko na lang!!:)

------------------

Belated Happy Birthday to me!..hehehe.. Sensya na di ko na naisipang gumawa ng birthday post loaded with photo greetings and stuff kasi you know busy kunyari.If not nga for one kind doctor who allowed me to use his internet access while at work ngayon e hindi ko pa yata magagawa tong update nato.

For all those people who remembered to send me text messages reminding me that Im a year older. Thank you thank you talaga..kaka touch^_^ pramis.


P.S.
yun nga palang piktyur sa taas ay walang kinalaman sa post na to. gusto ko lang kasi may picture e default lang ang naka save sa pc..hehe.

Read On 12 commented

make me rich?


Madalas nung kabataan ko naririnig ko sa iba na pag nakakita ka daw ng "falling star" e dapat mag wish ka kasi tiyak matutupad yung hiniling mo. So pag gabi para akong tanga na nakatingala sa langit nagbabakasakali na makakita ng "falling star" para nga naman maka pag wish pag nagkataon.

Pero sadya yatang mailap si "falling star" kasi di naman nagpapakita sa kin at lagi akong ini indyan. Ano yun na trapik lang kaya? o baka ayaw niya talaga akong bigyan ng chance na makapag wish kahit minsan lang.Booo...Unfair naman yata yon..

Pero Naisip ko, what if bigla nga akong makakita ng "falling star"? ano naman kaya ang hihilingin ko?, kotse? yung red?? di kaya kalabisan naman na yun at parang di yata realistic.Di naman kasi ako mahilig magsasali sa kahit anong pa raffle ng winston,phillip at marlboro at malabo naman yatang mangyari na basta na lang babagsak sa harap ko yung minimithi kong car once i did the wishing part.So isip isip uli ako.. di kaya maganda kung i generalize ko na lang yung wish ko like ano kaya if kayamanan ang i wish ko?!!..hmmm pede!!(evil grin). So final na. pag nakakita ako ng "falling star" ang iwi wish ko ay "make me rich!! bwahahaha!. I can buy nga naman whatever i wish pag mayaman nako including that red car di ba??.

So everytime I went out at night nag-aabang ako sa langit for that elusive "falling star" armed with my "make me rich" wish.. And eto na nga.One cloudless night ayun o!! at may "falling star"!! Kaso sobra yata akong na amaze sa nasaksihan ko at nakalimutan kong mag wish! grrrr..Lost opportunity..pagkakataon ko nang yumaman ika nga at pinalampas ko pa. Di bale,I'm sure if may first time marami pang susunod na malalaglag and I'l make it sure that next time magwi-wish ako just before the star disappears itaga man sa bato..

Until now pag nakakakita ako ng "falling star" automatic na yung wish ko na "make me rich!" and I know na niloloko ko lang ang sarili ko kasi kahit nakailang "make me rich" wishes na ako paglipas ng panahon e poor pa rin ako till now and I still dont have that car.yung red!.

But I kept on wishing whenever i see one fallen star.It's not that I was expecting to be rich but it just makes me feel good that i might be one someday. Malay mo magbago ang isip ni bro "falling star" and pagbigyan nya ko for a change!! ahahah!. It's a happy thought and I'm sure anyone who thought about it will feel good kahit at the back of our minds, we know that its just foolishness.

I'm way past that stage where I am merely wishing for something. I know that to make it work I have to do something to get my wish granted. It is only me that can make it happen and I know that wishing on that fallen star was just a start in fulfilling those dreams..

pero aminin mo kahit ikaw e nagwi wish pa rin hanggang ngayon pag nakakita ng falling star..hmmm

>>>nga pala this blog has turned 1.
>>>nakuhang huminga after several blog apneas hehehe.

a big thank you sa lahat..

magicsaucer lives on!.


Read On 6 commented

careless whisper




At the height of the Hayden Scandal a friend decided to go to Egypt and tour the land of the pyramids.He went out of Saudi without a glitch and played tourist till he dropped.

What could be the end of a happy holiday turned into a nightmare when he was detained at Saudi Immigration for.. dyaraaaannnn.. Pornography!.

While he was checking out his baggage, they found out that he had a laptop with him.

A Saudi officer asked him if that laptop contained any illegal stuff. They told him that if he say's no they will search the laptop and if they find anything funny with it they will send him to jail and be deported after due process.(kung meron mang ganon hehe)

My friend went pale. How could he admit that he had this animated film on his laptop where Snow White was doing nasty stuff to the dwarfs??..Ohh nooo!!...

Since he had no choice for they will surely find it soon enough if he lied.. He confessed he thought he might just have some of those kind inside..

His bargaining argument was that those are not real people..it's just cartoons!! But hey, this is Saudi Arabia they wont even let their women show you their hair.. hello.

My friend panicked.More officers came and they don't even speak passable English to get through to them.

He was lost and he was thinking they lied about some stupid rules they have and they will deport him anyway no matter what.(with 100 whiplash as a freebie to boot!!)

With some help from an Arab friend he was released from detention minus his passport and 500 Saudi Riyal as penalty.

He also had to seek help from the Hospital Administration where we work and luckily for him..his case was dismissed.

His passport was returned with a vow never again to have porn on his laptop.(Or be dumb enough not to erase them before leaving somewhere)

Now all is well.. they lived happily ever after.....

Or so I thought.


Just a couple of weeks ago a Filipina was caught in the same situation..(Shame! Shame!)

She was coming back to work from the Philippines when immigration picked her up for possessing a juicy DVD collection fresh from Avenida Avenue. (like she didn't know it's not allowed to bring stuff like that in here! tsk tsk).

Her bargaining argument???

Shes supposed to give it to a friend as a gift!!

Now that's what i call.. lame..

hays...

Giling na nga lang!!!!


woot!
Read On 12 commented

hello sir..pasensha sa abala

"sir good day sa yo..
siguro you are wondering why a stranger sent you a message here in friendster..actually, it was a long chase before i spotted your page (in some website with expat pinoys) but my purpose here is to ask you how's life there in jeddah? i would like to have some background kasi on what wud it be like living in there..and tamang tama, u'r a nurse, kasi i'm a colleague. i will have my interview in an agency in which dyan sa jeddah ako maaassign. i will ask also some pinoys like you in saudi arabia so that i cud come up with a decision if tutuloy ba ko sa interview ko. it wud be a big help sir if mabibigyan nyo ko kahit konting background lang then ako na bahala magdecide. well shempre i know andyan yun sacrifice, hirap and sadness from being away from home pero i wud like to know more pa like if the arab employers ba e ok sila sa mga pinoy lalo na sa mga babae and stuff like that. sir thank you so much for your time reading this and i hope u would get back on me. Godbless."



I got this message from my friendster inbox and because of this letter I've decided to postpone my blog hybernation and take the spotlight once again..naks!. Medyo matagal-tagal na rin akong nawala sa ere at mantakin mo yun next month e one year anniversary na pala ng virtual diary kong to.Woot!

Admittedly bago pa ako nakarating dito sa Gitnang Silangan, ang pagkakakilala ko sa Saudi ay isang mainit, mabuhangin, at nakakatakot na lugar..where people are being abused sexually mapa babae man o lalake..

While almost all of my pre-conceived ideas about Saudi are true,for almost 3 years that I had stayed here sa mainit at mabuhangin na lugar na ito.. I could say that Saudi is not as bad as I thought it was. This country has provided me with a job where I can support my family financially. While it's true that working away from home was one of the hardest part of being an OFW, at the end of the day.. It is nice to know that you were able to feed hungry mouths in the Philippines and make life a little bit easier for them. It made me feel blessed kahit alam kong mahirap not only for me but also for those I left behind.

Now, let's go back to your letter. You asked me how life is here in Jeddah?.Sa halos dalawang taon kong pamamalagi dito I could say that this is an OK place. What I mean is mas lenient sila sa mga cultural norms dito unlike sa ibang parte ng Saudi.It might be because mulat na ang karamihan dito sa western culture and most locals who live and work here ay may pinag aralan or galing sa ibang bansa para mag-aral. Of course from time to time you would find uncouth and uneducated persons but like in any other place makakakita ka rin naman ng mga ganun. Ang napansin ko lang mas maraming edukado dito and most of them can speak english.

If you're planning to work in Saudi I would say Jeddah is a nice place to start.Jeddah is a Coastal City so pede kang mag beach in your leisure time gaya ng ginagawa ng karamihan dito.It is also here where you can find Big malls so kung mahilig kang mag shopping, Jeddah is the right place for you.Mainit dito! OO aminado na tayo dun pero hindi ko pa na experience ang ginagawa ng iba na kelangan mo pang mag palamig ng pampaligo dito kasi sobrang init ang lumalabas na tubig sa gripo. In other words based on my experience tolerable ang init dito sa Jeddah.

Regarding Arab Employers, Generally mababait sila sa mga Pinoys.Be sure lang na legit ang employer na ibibigay sayo ng agency mo. Marami na rin kasi tayong kababayan na naloloko sa kontrata pagdating dito.If I were you apply ka sa Hospital na may maganda nang track record base sa mga nagtrabaho na sa kanila. So far magandang mag apply sa Government Hospitals dito kasi maganda ang benefits na binibigay nila. Although madami ding private hospitals na matino like where I am currently employed, iba pa rin ang may Government backing sa likod mo.

Kahit papano I could say na maganda ang tingin ng mga lokal dito sa Pinoy health workers kasi almost more than 50% ng nagtratrabaho dito ay Filipino. Sa hospital nga where i work, almost 85% of thier employees ay Pinoy. Kung isang araw mag welga ang mga pinoy. Sarado ang Hospital.

You might already know na may certain limitations ang galaw ng babae dito sa Saudi dahil nga sa iba ang kultura nila kesa sa tin but sa nakikita ko naman sa mga kasama ko dito e madali din naman silang nakakapag adjust. Konting abaya at konting tarha lang OK! na. (eto yung itim na suot nila dito).

Just be sure lang na if ever you decided to come and work here ay dahil sa gusto mo.

Na aware ka na kasama sa bagaheng dadalhin mo dito ang kalungkutan.

Na ang reason kung bakit ka pupunta dito ay makakapagpabago ng isip mo once you decided to quit.

na wag naman sana mangyari...inshalla.


Good luck Dess and sana nakatulong ang post ko na to sa yo...



madjik


Read On 13 commented

sunny

Sunny is one guy other's envied.

He was born into a well connected family and has always gotten everything he ever wanted since he was a boy.

With me growing up at the same neighborhood where he was, I saw Sunny as someones definition of being "cool".

He attracts people in droves and was always visited by equally "cool" people in town.

He got high marks on the local university where he goes and was even named valedictorian of his class.

He drove a fancy car and went to a hi-end university in Manila to study law.

One summer I was back home we got to be on the same party of a mutual friend. We got along fine and it became the start of a budding friendship which we had.

I was right. He was indeed cool and I learned a lot from him just by talking.

He would go on about his views on political issues,latest gadgets, courtships, his music preferences and as always he made perfect sense.

He was like my idol and I was glad I had him as a friend.

But there was one flaw on his almost perfect persona.

He goes wild when he's drunk.

One moment when he's sober he could be the most charming person you'd ever met and you would even think that his personality bordered on being shy.

But once he got a drop more than he should, he becomes a totally different person that any mother would be ashamed of.

For sometime that his outbursts became frequent (since he loved to drink), there are few of us loyal friends who extended our patience.

At some point I believed he knew what he was doing all along and I just couldn't accept the fact that he could be so brutal not only to all other people around him but most especially to us, his friends.

Then one day none of his friends bothered to call upon him.

Sunny was left alone.


For several years that I left town I heared less about Sunny and his escapades.

I would hear bits of news about his outburst and I couldn't help but feel sadly for him.

He was after all my idol.

A person I had known to be intelligent,witty,funny.. not some bum that people are making fun of now.

It saddens me to see him waste his life away.

It saddens me that people are afraid to be near him (and that includes me) out of fear that you might hurt them.

We wanted to help you Sunny.

We really do..

Me and all other friends who once stood by you.




But we need you to help yourself first.


Read On 14 commented

onward march


MARCH
napaka significant na buwan sa karamihan at maging sa kin man e memorable din ito pero ano nga at next week ay april na pero wala pa rin akong bagong entry...

Ayoko mang aminin pero ang totoo inisip ko na isara na tong blog na to hindi dahil sa may pangit akong experiences sa pagpasok ko sa mundo ng blogging, pero marahil ito sa kadahilanang nawawalan na rin ako ng reason na ipagpatuloy pa ito..

Parang naririnig ko tuloy ang boses ni Sir Nelson, yung dating manager ko sa banda na nagsasabing "ayan ka na naman, kung kelan finally me nakaka pansin na sa pinag gagawa o pinagsusulat mo, saka ka naman mawawala at mang iiwan sa ere"...

I was silent for like a month at kahit na walang activity na nangyayari dito sa pahina ko I've always tried from time to time to look at what's happening around at a greater perspective..silently, be it at YM or Plurk. So you see hindi rin talaga ako nawala..siguro muntikan na but no... I'm a masamang damo and you know what they say about masamang damo's in general..errr.

Salamat nga pala sa lahat ng mga friends ko sa blogsphere who kept coming back to my page para magpagpag ng alikabok at mag alis ng mga lumot na mahigpit na kumakapit sa footer ko.. Isama na rin natin ang mga agiw sa header banner ko..

and yes I'm back pero malamang sasabihin lang ni abou at george e "nawala ka pala? hindi halata huh!!".... na totoo naman if you come to think of it hehehe..

summer na..

tama na ang emo..

onward...march!.
Read On 13 commented

Live on Cam

As people age.. a.lot of questions arise as to why someones not married and why they chose to remain single.

For others..questions or statements like "ang tanda na nya di kaya siya nahihiya sa pinagagawa niya?" often followed.

I have seen situations where some engaged in questionable affairs but like they say.. "buhay nila yon and they can do whatever they want" which is actually true.

One story caught my attention though.

Roma is a striking lady.She had learned to wear make up at an early age thus afforded her many suitors behind her.She had boyfriends in the past but for sometime that I had known her,The truth remained unknown why she remained single all this time.

Once I asked her this inevitable question why she remained unmarried when in fact, she can easily have one judging by the way she looked.

She timidly answered me "I am happy being single and if being married means added headache to me then I would rather stay single all my life than suffer the consequences.."

"But don't you wish you had someone to spend your life with? I mean growing old and all will be a lot better I think if you had someone to turn to in times you needed company.." i asked her again.

I have my parents..i have my nieces and nephews.. and besides I often saw my friends having marital problems..marriages not working out,wives beaten blue..blah blah blah...

OK I got her..
She doesn't really want to talk about it..
So I gave her a break..
And in time I totally forgotten all about our talk regarding her marital status..

Not until last evening.


Someone casually mentioned the reason why she remained single..

One night Roma was chatting with her boyfriend on cam when she decided to break up with him.

The boyfriend was pleading with her but she was adamant and stucked with her decision..

Then the unexpected happened.

The boyfriend pulled a gun and shot himself in the head.

Live on cam.
Read On 33 commented

joy

Kanina naisipan kong bumaba ng basement para kainin ang cup noodles ko at nang makapag yosi na rin saglit..

Naabutan ko dun si joy habang nakikinig sa kanyang ipod.

Matagal ko na ring kakilala si joy although di na kami nagkikita lately kasi na assign na siya sa ibang unit...

nakita ko rin na may hawak siyang yosi habang bumubuga ng usok kasabay ang tila malalim na buntong hininga..

"ngayon lang to kuya kasi depressed ako.." pauna niyang sabi sa kin.

Maya maya nag ring ang cellphone niya so hinayaan ko na muna siyang kausapin kung sino man ang tumawag sa kanya at binaling ko na lang ang atensiyon ko sa cup noodles ko habang mainit pa..

Nung maubos ko na ang noodles..napansin ko na umiiyak siya..

"joy ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya..

"hindi kuya..."

"hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin sa parents ko na buntis ako!"..

I was thinking of some comforting words to tell her pero ang lumabas sa bibig ko e "sa una lang yan mahirap..just get it done and everything will follow kasi wala na tayo magagawa kasi andiyan na yan.." sabay sindi ng isang stick ng marlboro.

"kuya naninigarilyo ka rin pala?.."


"Oo joy..."

"pag depressed lang din..."

Sabay tawa kami pareho...

Pero sana nga ganun lang talaga kadali ang lahat.
Na pagkaubos mo ng isang stick ng sigarilyo..ubos na rin ang lahat ng depression na nararamdaman mo..

PBA09oqonrr4
Read On 22 commented

textmate

I have a new text mate..

I only had two messages from her so far,

but that was enough to make me feel young again..

to be alive despite the fading hope that I sometimes felt.

here's the first message I got from her...

"Hi daddy madjik duty kaba ? Or walang kang pasok meron akong pink na cellpone kaya naka- text po ako dahil dahil po bigay sa ako ni mommy & mwah!!!!!.at ingat!!!!"

It's from kaye and I will always treasure this first ever SMS that she sent me.

Kita mo yan at napa blog ako bigla despite my busy schedules..

So being the proud daddy that I am I showed the text message to everyone who cared to look or those who are not so busy with their own pathetic lives..

I was beyond caring...

I am happy!

at moment ko yun! LOLz :z

I was late with my response..

and a second text from her followed...


"Tulog na ako zzzzzz!! May pasok ako wag kana mag-text ha si mòmmy nalang pls wag na! Aaaaaa.!!wag ring cellpone "


ganon??hehehehe!


goodnight kaye..

bukas na lang uli..


PS
sa susunod dun kana sa roaming ko mag text ha kasi mauubos agad ang load mo..

Read On 26 commented

kaye

Dear kaye,
Nalulungkot ako kasi di kita makakasama sa birthday mo. Alam ko naiintindihan mo kung bakit kailangan kong pumunta dito sa Saudi at sabi mo nga okay lang naman yon para may pambili ka ng toys at milk pero syempre, gusto ko sana na nandiyan ako... kasi 7th birthday mo na at importante yon para sa daddy..

Yon nga lang hindi tumugma ang schedule na una kong binalak kaya napa-aga ang bakasyon ko at yun nga sasapit ang birthday mo bukas na wala ako.

Di bale sa susunod mong birthday gagalingan ko na lang ang pagbigkas ko ng mahabang... mahabang.... "happy birthday kaaayeeee......" at lalakasan ko pa lalo ang pag kanta ng happy birthday to you.

Sisikapin ko ring imbitahan si Ann Curtis para live mo nang makasama si dyosa at di mo na kailangang bitbitin ang tatlong version mo ng dyosa dolls na nakuha mo nung pasko...Sana nga lang hindi busy si Mareng Ann sa Birthday mo para maisingit nya ang saglit na pagdalo sa party mo sa mcdo.

Anak, kahit na iniiba mo ang usapan pag tinatanong kita kung nasagutan mo na ang assignment mo sa math, alam ko na gusto mo lang ibaling ang atensyon ko sa katotohanang magaling ka talaga sa english at language pero anak naman, kelangan din nating sagutan yung math kasi..

Kaya pasensya kana kung kahit tumambling tambling ka na kakabilang sa lahat ng mga daliri mo sa katawan at pati na rin ang mga daliri ni ate, e di pa rin kita tinatantanan.

Pagmamahal ang tawag mo dun anak.

At sa muli kong pagbakasyon sana marinig ko uli sa yo ang pagkahusay husay/makabagbag damdamin/emote na emote version mo ng awiting "all this time" ni Tiffany. At sana pagbigyan mo na rin si mommy na maki-sing along sayo kasi sa mata ng nakararami(yun ay mga mata ko, ni tito,ni ate,ni mommy,at pati na rin ang kapitbahay nating si ate luchi na nabubulabog mo alas dos ng madaling araw).. ikaw pa rin naman ang winner at ang may pinaka maraming "clap-clap" na smiley.

Happy Birthday uli Kaye.Be a good girl Always.

We love you!.


Si kaye yung nasa unahan
PBA0947p0s04
Read On 20 commented

Seven



seven years and counting...


if you are cynical..please don't click further!.





but since you are already here,

might as well enjoy the song..

baduy na kung baduy pero gusto ko yang kanta e...

siya nga pala...

happy anniv to me and wifey!..



the first time i saw you
you were standing in the rain
there was something about you
that made me look again
the way that you let the rain fall down on you
the way that you smiled
when your eyes met mine

i"ll always remember
i"ll never forget
how you took my breath away
the first time we met
no matter what happens
no matter what youdo
i"ll always remember
the first time i saw you

now we"re together
still you take me by surprise
little things that you say and do
still new to me each time
the way that you make me feel reminds me of
the very first time
when your eyes met mine


Read On 14 commented

Bagong Bayani

A fellow staff was absent for 3 consecutive days and even if I'm not soliciting information about why she didn't go to work, I couldn't help but hear almost everyone talking about her.

So to satistfy my growing curiosity I finally asked one group..

"Kuya, kasi ano.. gusto na niya umuwi sa Pilipinas!, pinapauwi na daw siya ng asawa niya!"..

"ahh ganon ba?? sayang naman di pa niya hinintay bakasyon nya"..

"wait for vacation?? e gusto na nga umuwi ng tao!!"

E kasi naman I knew that few months from now she will go on vacation meaning she can go home free of charge at higit sa lahat bayad!.

Now what she did was lock herself in her room, not go to work for 3 days, never accepted any calls or visits from her friends in short. gumawa sya ng sarili nyang mundo.. which is really fine naman din sa kin if that's what she really wanted kaso nanghihinayang lang ako sa effort niya pagpunta dito sa Saudi..

Nanghihinayang ako for the opportunity na mukhang mauuwi pa sa pagbabayarin sya ng contract nya, magbabayad sya ng sariling ticket, at sana wag naman umabot sa puntong ma blacklist sya... kasi uulitin ko, sayang nga kasi.

Nanghihinayang ako sa milya milyang paglalakad na ginawa mo at ni bunso kaka apply sa agency sa Makati,Mandaluyong,Malate,Pasay,Quezon Avenue.. at kung saan saan pang sulok ng Chinatown kung saan nakatirik ang opsina ng agency mo..

Nanghihinayang ako sa ibinuhos mong emosyon nung muntik ka nang makipag away kasi siningitan ka sa DFA, NBI, sa Census,sa Clinic at kahit na nga rin dun sa seksitary na lang ng agency e muntik ka nang makipagbuntalan kasi sabi mo nga tatanga tanga..

sayang...

But seriously I just feel sad cause I know one of the reasons why we came here was to make our lives better and earn money to send back home. Otherwise ba't pa tayo pupunta dito para maglinis ng dumi ng may dumi kung kaya din nating kitain sa Pinas ang kinikita natin dito di ba?.

Pero sabi nga nila kanya kanya tayong diskarte at issue sa buhay.
kung ginusto mo yan, kailangan mong panindigan..

Sana nga lang huwag ka magsisisi sa huli kasi isa ako sa mga taong malulungkot para sa iyo at sa pamilya mo..



Read On 30 commented

New Year and A Funeral

The year that was came and went like an ordinary day for me here in Jeddah. I actually had plans of going out to celebrate New Year with some friends but some ill luck glued me in front of my laptop for twelve straight hours.

It was New Year's Eve and it was also the day my best friend lappy died on me.
So I was busy the whole day preparing for his funeral.

Well it was my fault why he died really.I was downloading some fancy key generators which turned out to be loaded with some trojan and malwares known to Mcaffe, my ever faithful servant.

Mcaffe was screaming ALERT! ALERT! at the top of his lungs but all those commotions were fallen on deaf ears since his highness was a psychologically deaf and stubborn ox..

As soon as I've hit the download button.. lappy died. may his soul rest in peace.

I've tried reviving him with my best CPR knowledge but to no avail..Chris my friend proclaimed him dead.. goodbye lappy,goodbye pictures,goodbye mp3's,goodbye precious video scandals,goodbye life..

I've already prepared myself for some countless sleepless nights following your demise..I will miss you.. I swear(*sobs*)

But i won't give up yet.. NO.. not just yet.I might be prepared to send you back to Sultan Mall to have your fleece removed but not without trying at least once more...One for the road??.

I never did backup for all the files I had. I was so confident that something like this might just won't happen but it did..

and I'm a grade A schmuck.

Which reminds me that lappys now working fine and I still haven't done that backup thingie.... errrr

will do it later..i promise

boy scout's honor..

With some help from my guardian angels named HP and Windows. Lappy was resurrected.
I was able to reclaim his soul but Saint Peter allowed me to have the infant one.. An infant with amnesia to boot..

It was like having conversations with a total stranger. We were back to square one.

But at least Lappy and I had a happy ending.
We were back at each others arms...eww.



FAMILY PORTRAIT(horse included)


Allow Me,my Family and Lappy to greet everyone a SUPER belated NEW YEAR greetings!

I will be on another long blog absence due to work so I was really compelled to make at least one entry that says how honored I am to be on your rolls!.

More blogging years to us all and Advance Happy Valentines!..

Read On 19 commented

Durat Al Arous Again

Para naman masabi ko na lumabas ako nung pasko at naki party sa sangkatauhan,

Sumama ako pabalik ng Durat Al Arous para gumimik.

Kahit pagod ako nung araw na yon kasi kelangan ko pang pumasok sa trabaho ng umaga as usual.. ok na rin kasi pagkakataon ko na ring makalanghap ng ibang hangin bukod sa nakagawian kong oxygen,nebulizer,at steam inhalation..

Naki hitch ako ng ride papunta ng resort at habang binabaybay namin ang kahabaan ng Madinah, inaliw kami ni kuya Rudy gamit ang kanyang ultra boombastic na sound system sa saliw ng tugtuging pinamagatang "one way ticket"!! O ha san ka pa!.

Maganda ang resort na pinuntahan namin.Palakasan din ng sounds ang kapwa villa na magkasunod sunod. Mostly pinoy ang occupants ng buong resort bukod sa isang pamilyang Aprikano na may pinakamalakas na sound system sa lahat. At ang ganda ng sounds nila ha... pang production number sa Master Showman ang dating..sabi ng isa kong friend pang ati atihan daw! Pwede!!

Kanya kanyang gimik din ang naabutan namin. Merong sumasayaw, nag vi-videoke, may umiiyak sa kitchen habang kausap ang anak, may nagyoyosi sa terrace habang naka titig sa kawalan... errrrr...

ako?? naki yosi na rin lang..


Syempre may parlor games.
at syempre may picture frame na premyo,
ayun at pakalat kalat yung mga picture frames!!
kawawa naman at inabandona.


Ang kagandahan dito sa Saudi minsan lang umulan kaya nagkalat ang naglalakihang sofa sa terrace.So imbes na sa kawarto mag recharge mas pinili kong mahiga sa sofa habang naka titig sa kalangitan...Parang si ET lang na nagsasabing...ET Phone home....

Habang abala ang diwa ko kalalakbay kasama ang buwan at mga stars.. abala din ang mga kasama ko sa walang katapusang kwentuhan tungkol sa buhay buhay at ginisa flavor mix.

Sinubukan kong bilangin ang mga tala pero syempre nakatulog na ako bago pa man ako matapos.. at pag gising ko ito na ang nakita ko..








wow nam
an at malapit pala kami sa beach..


Pero teka bat parang di pa rin natigil ang ilan sa kaka ngawa??
Tara nga at silipin natin ang kaguluhang ito...


Dais bago mo pa ako ipa salvage, post ko na muna tong bidyo mo!LOL
Idi delete ko na talaga to kaso ang cute kasi kaya.. ano... yaan mo na!

Maraming salamat pala Remus sa lahat ng masasaya at malulungkot na araw na pinagsamahan natin sa unit. Mami miss ka naming lahat at Good Luck sa yo bro!..
Read On 24 commented

Itinerary ni


Pag ganitong medyo nalulungkot ako. Inaaliw ko ang sarili ko sa mga kantang nagpapa indak ng aking pulso.

Sayang nga lang at wala pa akong kopya ng mga kanta ni Willie Revillame at Joey de Leon para maihanay ko na rin sila sa playlist ko, kasunod ng
"whine up" ni Kat de Luna at "gasolina" ni Daddy Yankee.

Tara at muli nating pakinggan ang awitin ni kat...chupoy



Para maibsan ang pagka bagot dito sa Saudi marami ang sumasali sa ibat ibang sosyalan. Mapa pang macho man yan o yung pang venue lang ng tsismisan, swak na swak yan dito.

Ano ano nga ba ang maaari mong pagka abalahan dito sa Saudi?..

Una mag Gym ka.
kesa naman maghapon mong titigan ang picture ng pamilya mo at nauubos ang oras mo sa kaka "day dream" e di mas maigi nang mag exercise ka na lang.Sabi nga ni abou di lang ito maganda sa kalusugan, nakaka pogi pa!. O ha.

Pangalawa mag Bible Study ka!.
Di ko pa to na try pero marami ang alam kong nag o organize nito. Kesa naman mag bate muni muni ka buong araw, Go ka na lang at makinig ng banal na salita. Malay mo ma salba mo pa ang naghihingalo mong soul di ba? Advisable din to sa lahat ng single kasi marami na dito ang nakapag asawa dahil sa pagpupulong na ito.. San ka pa!. Shooting two birds with one bullet.

Pangatlo.. sumali sa kong ano-anong Sportfest..
mapa inter department, inter baranggay, inter universe o inter galactic pa yan sumali ka!. Para next time na magkita-kita kayo ng mga ka berks mo sa canteen e may mai kwento ka naman o maisabat sa mga usapan niyo kasi malamang maa out of place ka lang kung di mo alam kung sino ang magaling pumalo, humataw, mag free throw o kung sino yung nagsilbing kakambal ng silya sa kakatapos lang na liga.

Pang apat.. Sumali sa mga Singing contest o Dance competition!.
Oo tama ang nabasa mo. meron din ditong mga paligsahan sa pag birit at pag giling.. at panahon na para ilabas mo ang tinatago mong galing... malay mo ma discover ka at ipadala ka sa Pilipinas as Saudi Representative sa Pinoy Dream Academy 2009... o kaya sa Miss Fitrum na lang.

Pang lima.. mag Shopping!.
Yon ay kung marami kang pera ha..
maganda kasi mamili dito sa Jeddah kasi dito ka makakakita ng mga Orig na designer items at murang ka ek ekan sa buhay..

kaso nga lang hindi ko afford ang mag shopping ng mag shopping kaya ang pinili ko na lang ay yung pang anim...

mag Blog.
kahit nakakahilo na ang aandap andap na libreng signal ng wifi e pinagpapatuloy ko pa rin ang pag tambay sa bintana sa ngalan ng kakuriputan!.

saka para balang araw e may babalik balikan akong kahibangan ko nung nandito pa ko sa desyerto.. o sa kung saan pa mang lupalop ako mapadpad..
Read On 6 commented

Christmas Walk


Malamig na uli sa Saudi
pede na uli akong maglakad sa kalye pag naiwan ng bus pauwi
sayang din naman kasi ang pambayad sa taxi
dalawang kaha ng marlboro din yun.. saka ilang chicklet.

Malimit akong nagyoyosi pag naglalakad
nakaka walang stress kasi pagkatapos ng dose oras na pakikipag bolahan sa pasyente.
Ingat nga lang sa pagtawid tawid sa mga highway
di kasi uso ang mabagal na pagmamaneho dito.

Di rin uso dito ang overpass
kalimitan kang makikipag patintero sa kalye para makatawid
Me ilan na ring minalas na mahagip ng sasakyan
At ilan ding maswerte at umabot pa sa ospital.

habang naglalakad ako napaisip ako kung may na miss ba ako dito sa bansang ito?

well,meron naman pala.

walang smog sa Saudi.. malinis ang hangin.

Sa pagkain..
na miss ko ang patchi na chocolate,
ang broast ng al baik,
ang chicken shawarma sa ballad,
at yung kabsa malapit lang dito sa min.

At ano naman ang mga di ko na miss?

huwag na lang natin pag usapan yon.
wala naman na akong choice e.
kelangan na lang tanggapin.

pano ba yan,
magpapasko na naman.

Merry Christmas sa lahat..
Sama ko na rin Happy New Year..

lika lakad na uli tayo!


Read On 16 commented

Tuliro


Sabi nga nila pag babalik ka daw ng Saudi galing bakasyon is a tragedy.

Sa kaso ko naman, bumalik ako galing bakasyon na magpapasko so anong tawag mo dun?..

At sabi nga rin ni ponchong ilayo ko daw ang sarili ko sa mga lubid at blade pero hello?? Ayoko naman yata mamatay ng nakalawit ang dila at naliligo sa sarili kong dugo..eww!. gross!.

Pag nakakarinig nga ako ng nagpapatugtog ng "sana ngayong pasko" and the likes ay parang gusto kong apak apakan ang mamahalin nilang cellphone!.. Oo na! naniniwala na ako na tunay na iPhone yang hawak mo at hindi China Phone kaya please huwag mo na I demo ang mp3 mo kasi nakaka ano ka na e!.. nakaka hurt!! Hehe.. tagos!. WTF syet.

Nung sumabak na ako sa duty.. ako yung matatawag mo na "so near yet so far". Pakiramdam ko kasi nasa eroplano pa rin ako at yung mga naririnig ko e overhead paging system ng airport… Buti na lang maunawain si ate dyosa (kamukha daw nya si ann Curtis at magkaka kulani ang kokontra) at nag dialogue sya ng.. "alam mo madjik, hindi ako magagalit kung parang wala ka sa sarili mo kasi I know how it felt" Oh my gad!! ganon na pala ako ka obvious.. sabog na kung sabog pero ate ano kasi… I can't help ittt!.. LOL

Kung napapansin nyo medyo matagal nang walang update ang blog na to kasi sabi ko nga kay abou ayoko naman na magnga-ngawa sa kung anumang isusulat ko dito. Medyo na pressure lang akong gumawa kasi sabi nya ipo promo daw nya uli ang blog ko e nakakahiya namang ang madadatnan ng traffic galing sa kanya e lagpas na sa expiration date kayo eto nagbabalik na uli si madjik… dumudugo man ang puson puso.. matulis naman. Wapak!!
Read On 17 commented

To be continued




From Manila Bay...



To Red Sea...

The Virtual Diary From Coast to Coast

will soon continue.




Photobucket

Photobucket

Read On 8 commented

I Wander @Club Dredd


Last Saturday night me and wifey went to a couple of shows which afforded us visual treats and partial hearing loss.

A free ticket is a free ticket so off we went to Paranaque and we watched this show called "WANDERS" at PAGCOR Grand Theater. We had a front seat so we had a spectacular view of those skimpy clad dancers acrobatics, and boy what a visual treat it really was!.

As usual we came late to the venue.Good thing they let us in even if the show has already started. Admittedly my knowledge about this fiasco is next to zero so when I first looked at those Chinese/Korean looking guys on stage doing circus stuff, I thought I was witnessing a stage version of Crouching Tiger but hey.. someone has spoken Tagalog! and was it Calvin Millado Calvin who? doing Ricky Martin? errr.

The show was done with fast faced performances and a live band served as background. All in all it was a great show especially for the kids. I liked the drum sequence of Maneuvers and the Russian Babes were sooo...hot! exotic!.

We went straight to Eastwood after our stint at Paranaque.It was already 11PM and I thought we were running late for Riki's ear splitting set, but surprise! the show hasn't even started yet. Well since we also haven't had dinner yet we filled our stomachs with some cheese fries and pizza ala dredd... but something really bothered me suddenly.. I remembered I forgot to bring. EAR MUFFS! LOL.

eardrums check-within normal hearing

The show started with stereo-what'sthatnameagain? band and a series of punk rock renditions were heared. Wifey was already complaining about the loud speakers but hey, the place was so cramped we might as well get the hell out of that place! but were here to support Riki remember?..so we tried our best to enjoy "the cures-boys don't cry".

Next on stage was one of Riki's many Band called Chardonnay! Applause! Applause!.

They had a brand new girl with a foreign accent.wow!

She also sang barefooted!.

enough said hahaha!.I liked the original tagalog song by the way,forgot the title but it speaks about "kabet" if I recalled correctly!

eardrums check-mildly blasted

Then came Mayonnaise.Don't know much about this band other than they already had an album and has gained airplay on mainstream radio. Later on I goggled that they've won this RedHorse Muziklaban back in 2004 and has released several albums and singles.

I had to admit they were rather very good.Three kids formed the band and they played solid music. I especially enjoyed their tagalog originals and has gained my respect as a groupie.

eardrums check-partially deaf

We decided to pay our bill and head out of that pressure chamber but the waiter took a long time so we were able to watch the final band called "Hoods Of Nature?"not sure again. At first I thought this was yet another scream-at-me-till-your-lungs-burst band but surprise again..this band can really do a tune. The one that stood out was the drummer/percussionist who had his own set of drums and was using one drumstick. Though that dreadlocks of that boy on vocals deserve Helen of Troys scissors!or was it a dagger?.whatever.

Finally the bills were paid and we had fresh morning ai
r.

eardrums check-blasted to oblivion


(L-R Chardonnay/Mayonnaise/Hoods of nature/Stereo...)
Read On 9 commented

Tweak Marathon

Photobucket
I liked tweaking my gadgets including whats down there! on my spare time. Now that I'm having my vacation allowed me unlimited tweaking time!!.
Like they say..It's happy hour!!.

Initially,

I was able to accomplish some good improvements on my lappy and cp softwares but I was also able to crash my cellphones OS a number of times already.

Good thing I have a buddy called "goggle" who never failed to provide all the necessary answers for me in case i needed one for the nth time.

Layout?

I started with a black theme. It has undergone several virtual surgeries and now voila! its bleached white. I also had a two column layout before until I decided to butcher my HTML codes again and morphed it into a three headed entity.

Now Ive been seeing these four columned layouts but I think I'l need to pass for now, but who knows? it might turn into one someday.

Header

My header is another issue. I didn't know how to make one so I first opted for a lowgrade,inferior,un-enhanced,mobile clicked photo as my header.

Of course it was really bad and a friend cruelly pointed it out for me so from then on I made use of the 3d generator and a series of these creations was seen from this site.


The latest one came from photoshop but from the looks of it I know It might've came from MS word as abou pointed out but I loved that black header so Im keeping it. MS word made or not

Widgets

Like a true blue noob, I used to hoared widgets and put everything on my site.

Not until someone complained that my site took ages to load, some widgets are kept on hold or terminated.But looking at my site now, I still feel it's cluttered so I think more widget massacre will happen.

Snoop

Looking at other blogs I saw constant changes happening at thier layouts too so I think I'm not the only one guilty of this pleasure.

When Nebz accidentally deleted his blog I layed off my layouts for sometime but hell I missed the thrill!! So once again I'm buzy tweaking whatever came handy!.

Like I said its happy hour so wish me luck!!.

TGIF

This ones my lame attempt at Photoshop.
Read On 18 commented

Cream,Chardonnay,Milk N Moneys

My daughter wanted to watch Madagascar so off we went to d block to have her treat.

I like to move it move it.. I like to move it move it..

As we were about to catch a cab on our way home I saw this familiar face having a coffee at seattle with an equally familiar face..

I couldnt believe it was Riki and Paula sitting there so I told Wifey and Daughter to go ahead without me and off i went to have a chat with my long lost friends.

It was like "cream days" once more and I had to admit I missed these guys immensely.

We were all part of a local provincial band called CREAM back in 2002. I was the first one who left for another band back then but we remained friends and in contact for sometime.When I decided to leave the band scene and pursue nursing I wasn't able to catch up much about what happened to them and as years went by we finally lost touch.

Meeting them now I was happy to know that they are still on the gig scene.Paula does sequencing for a band who performs locally and abroad and are now bound for Thailand for another gig, while Riki does drums for a local band called "milk n money" and "chardonnay" who happens to have a gig this coming nov.15 @clubdredd libis..

That video attached was from "milk n moneys" first album. Riki's not part of the band yet when they released that song since he just recently replaced the old drummer who left. They are in the process of recording a new album as of the moment according to him..

Enough of this! :p

I'm not good at plugging..

Good Luck RIKI and Paula. And btw nice car rik!.

This post is my tribute to us cream hearted forever!.








Read On 16 commented

Mr. Clean


Today I decided to complete an almost impossible task of cleaning our room. I had been planning to start it the first time I was back here but looking at all those kiddie meal toys amassed by my daughter for almost half a decade,I was barraged by self doubt if I could even start this task, let alone finish it. Adding to the list of my target victims are these cute teddy's that could fill Toy Kingdom's entire stuffed section.Of course I had to have a foolproof stealth strategy in case my daughter decided to be a snoop and asked me "Daddy, what the hell are you doing?.

We are all lovers of paper. my wife liked to cut things up and make a collage out of anything "paste-able". She would also buy all sorts of beads and buttons that she would make a trinket from, most of which are left lying everywhere adding to the pile of debris to our ever mounting treasure box called "apartment".

And how about those rags that wifey makes bags from?,and the evolution of footwear that we own?,the lovingly kept baby clothes,all those review materials I had,the boxes after boxes of God knows whats inside makes me want to surrender the instant I thought about what I'm proposing myself to accomplish.. whew!

And to think I still have time to blog about it!

wish me luck....

P.S.
let me just quote ponchong before signing off..

according to him. "oiliness is next to ugliness"

huwatttt???

LOL.
Read On 17 commented

Bora..Then and Now


Back in the 80's, me and my family used to have our beach outings at Boracay Island.Bora at that time was like any other beaches found in Aklan lined with several coconut trees and makeshift nipa cottages along it's unpaved roads. It was also at this time when generous amount of shells adorned the shoreline and well formed corals could be seen from looking aboard a banca at the bottom of the sea or simply snorkeling the shallow waters.

Then came the Emildific presence of Miss Marcos and off she made a coral "abubot" factory at Puca Beach where precious or plain shells were made into elegant "kikay"adornments.She also brought some of her friends and of course they were awed by the beauty of the island and as word of mouth travelled,boracay was labeled to be the hidden paradise in Aklan..and soon tourist were pouring in.

I remembered Bora when there were no electricity available at the island and the only source of light at night(aside from the moonlight of course)were these bamboo torches lining the white beach stretch. There were also just a handful number of decent cottages mostly made of indigenous materials which if I would think of right now added more authenticity to the hidden paradise theme projected by the island at that time. Indeed Boracay is a paradise at its own pacing.

Going to Bora in the 80's was an ordeal since you had to endure about 3 hours of rough jeepney ride from kalibo complete with thick dust that powdered every crevices of your face (since cemented roads were still a dream come true back then).Of course now that we have these air conditioned vans and buses, coming to Boracay is a dust free adventure already... but if I look back now, I kind of like missed it when the concrete port is still not there and arriving at Caticlan you would immediately see these motorized boats lining up the shoreline waiting to transport passengers to the coveted island of Boracay.. For me its more errrr.. dramatic.

But of course I cannot stop progress and commercialism to take over since Boracay I would admit is a commercial success potential.Many have realized it earlier and even now so to speak a lot of investors are still trying to penetrate the Bora market. Now almost all franchise outfits found in manila could also be found in bora. Bora indeed has become a city of its own genre.

Last week I spent time with my family back in Bora.We stayed at a resort called "serendipity". The room cost us 2 grand for one day since according to the owner its off season. If its summer then the room will earn them 4.5 grand.Take a look..

What I like about this resort is the location..its near the public vehicle terminal and it's at the back of d*mall.Of course there were a lot of big hotels and resorts available now but I never dared asked their prices.

As we explored Bora I realized that the only things that has changed were the buildings that are towering the mainland now..As we walked the white stretch of sand the manongs and manangs that are offering assorted services of "boating,island hop,scuba diving,horseback riding,massage,henna tattoo,hair braiding..etc..etc" are still the same.. hoping to make a living, hungry to grab a piece of the action.

As we made our last dip at the beach and left our footprints at the white sand I can still feel the same magic that i felt the first time I was at bora.

A lot of people were asking me whats so special about this place? and my answers would always be.. you will know the answers once you get there...

so what are you waiting for?.

Read On 9 commented

Main Dish

My Photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic