magicsaucer
virtual diary

joy

Labels: , ,
Kanina naisipan kong bumaba ng basement para kainin ang cup noodles ko at nang makapag yosi na rin saglit..

Naabutan ko dun si joy habang nakikinig sa kanyang ipod.

Matagal ko na ring kakilala si joy although di na kami nagkikita lately kasi na assign na siya sa ibang unit...

nakita ko rin na may hawak siyang yosi habang bumubuga ng usok kasabay ang tila malalim na buntong hininga..

"ngayon lang to kuya kasi depressed ako.." pauna niyang sabi sa kin.

Maya maya nag ring ang cellphone niya so hinayaan ko na muna siyang kausapin kung sino man ang tumawag sa kanya at binaling ko na lang ang atensiyon ko sa cup noodles ko habang mainit pa..

Nung maubos ko na ang noodles..napansin ko na umiiyak siya..

"joy ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya..

"hindi kuya..."

"hindi ko kasi alam kung pano ko sasabihin sa parents ko na buntis ako!"..

I was thinking of some comforting words to tell her pero ang lumabas sa bibig ko e "sa una lang yan mahirap..just get it done and everything will follow kasi wala na tayo magagawa kasi andiyan na yan.." sabay sindi ng isang stick ng marlboro.

"kuya naninigarilyo ka rin pala?.."


"Oo joy..."

"pag depressed lang din..."

Sabay tawa kami pareho...

Pero sana nga ganun lang talaga kadali ang lahat.
Na pagkaubos mo ng isang stick ng sigarilyo..ubos na rin ang lahat ng depression na nararamdaman mo..

PBA09oqonrr4
22 commented:

hindi man maging ganun kadali ang lahat tulad ng nais natin.... somehow, someway, things will get better kung gagawin din natin ung mga tamang bagay para sa buhay natin.
maaring nakagawa tayo ng mga bagay na hindi dapat, at salungat sa scheduled trip ng buhay natin pero hindi ibig sabihin nun eh iiba na tayo ng direksyon.. nagdagdag lang tayo ng bagahe sa compartment ng sasakyan ng buhay natin.. pero mtuloy pa rin ang byahe.. tuloy pa rin ang buhay..

bumabalik pa rin dun sa gasgas na linya kong: its either we do it or we dont...kahit anong piliin mo jan sa dalawa... iisang direksyon pa rin ang tutumbukin mo, its just a matter of thinking ways on how to complete your journey....

---im out---


talagang ganyan ang buhay.may mga pangyayaring hindi natin alam na darating...at kung ano man yan, kailangan nating tanggapin dahil anjan na yan eh, hindi n pwedeng ibalik ang kahapon...saka isipin natin na hindi jan hihinto ang buhay....itoy umpisa ng bagong bukas at natoto tayo sa bakas ng nakalipas...

hmmmp...madjik depress ka? buntis ka din?...lolz...


Ako din napapa-yosi kapag stressed o kaya may problema. It's a coping and defense mechanism. Alam ko hindi maganda sa health, pero minsa effective eh.


sige sge..goodluck nalang sa pagsasabi ni Joy. kayang kaya nya yun!

lols.. ang paninigarilyo, walang ibang rason kan kundi "gusto mo" palusot lang yun "depress" kuno..hehehe peace..
pwede ka namang UMIYAK at MAgNGANGAWA eh kung depress ka.. bakit sa Yosi pa?

hehehe
peace


Anonymous

Okay rin si Joy ano, ulirang anak. May sariling trabaho. Nasa hustong gulang pero worried kung papano sasabihin sa magulang na buntis sya. Anong inaalala nya, baka itakwil sya?


Anonymous

Oo nga.. sana talaga ganun lang kadali ang buhay..

Goodluck kay Joy. Mauunawaan din yan ng mga magulang niya pag tumagal..


Anonymous

Sir kala ko nawala ako sa saudi bago kasi heheh ayus ang template na to ah...

eniway....
di nman siguro mahirap sabihin na buntis siya ang mahirap walang kong lalaking aako sa ipinagdadala niya.. ang reputasyun.... kasi..


naki depressed ka lang ba sa kanya or my prblem ka rin talaga?hehe

kung ako mabuntis din malamang di ko din alam gagawin ko! LOL


Ako pag depressed, chocolates ang kinakain ko....

Sana ay di ka na depressed.


Una muna: Haneeep!!!! Impressed ako sa layout mo. Maganda sya. Impressive! Congrats!

Pangalawa: Me napansin ako sa mga posts mo. Me kurot. Yong simpleng kuwento na alam mong maraming laman. Parang ganun.

Pangatlo: Wawa naman si Joy. Big problem nga un. Pero katulad ng lahat ng bagay, malalagpasan din nya yan. Mahirap lang sa ngayon but everything will be okay in the end, tulad din ng lahat ng bagay sa buhay natin.


madjik, musta?

Si joy ba pauuwiin pag nalamang buntis ng employer niya?

tao lang tayo nagkakamali pero sa bawat pagkakamali may pagkkataong bumangon at ituwid at gawing lesson sa buhay.

balitaan mo ulit kami about joy


Madjik...ang galing mong mag majik ng words. Ang galing ng pagkasulat...simple...maikli pero malalim.
Sabihin mo kay Joy na wag manigarilyo... maaffected ang baby niya...hehehe.
Pero talaga ang galing ng pagkasulat ng blog na ito... Malalim na malalim ang mensahe!


"Pero sana nga ganun lang talaga kadali ang lahat.
Na pagkaubos mo ng isang stick ng sigarilyo..ubos na rin ang lahat ng depression na nararamdaman mo.."---i love this line here :)

sana nga ganun lang kadali, and it's really remarkable how we try to dwell on this simple comforts just to ease the agony.

God bless you.


pareho sa tanong ni MR. thoughtkoto...anong magiging epekto nyan sa work nya?pauuwiin ba?


tigilan na Yosi Kamo may baby na e..

Tama ang naging Advice mo Dude...paalala mo ulit sa kanya yon..


Anonymous

kapag depressed ako, di ako nagyoyosi. di ako marunong. :P

kumakain, nanonood ng tv basta hindi nagi-internet at baka may maipost pang madrama at emo. hehehe.

hay. sana nga may sagot sa lahat ng problema, pero un nga, wala namang easy way out sa lahat ng bagay eh. deal with the consequences kumbaga. :) sabihin n lang nya muna sa mga magulang nya. ^^,


i'm a goosebump? goose pimple? hahaha! natawa ako kasi literal ang pagkakatranslate ko! hahaha! thanks, madjik :)


Sabihin mo kay Joy pre, ok lang yan...ang problema sa pagsabi sa magulang nya na buntis sya eh madali nang solusyunan, pero kung problema nya ang pagbubuntis nya eh mahirap nga un...nakuha mo pre? ... kasi kung pati pagbubuntis nya problema malamang madamay ung baby sa gagawin nilang solusyon...

ang gulo ata...xensya na antok pa ako eh :D


pards,ganda ng huling parte...wala namang problema ginusto naman ni joy ang nangyari.saka alam kong maiintindihan ng pamilya ni joy,nasa tamang panahon at edad na para gumawa ng sariling desisyon.


This comment has been removed by the author.

hindi naman siguro ikaw ang ama ng dinadala ni joy ano?


mabagal mag load ang site mo. o baka ako lang hahaha

take two gid ang


I'm very sorry to disturb your tranquility but I can't help it cuz ur the only ones I can run to in times like this (parang Juicy Fruit gum ano?)

NJ(Desert Aquaforce)Tagged You!


D k pa rin tapos magyosi hanggang ngaun?

miss n namin post mo a.


Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic