*Minsan nakakalimutan ko nang tingnan ang nasa puso ko dahil sa sobrang busy ako.. pero isang araw ako ay naantig..
at nag emo.. kaya eto ang E[kwento]MO.
Naabutan na naman kitang sa malayo nakatingin. At napansin ko rin ang paglingon mo na tila umaasa. “Keif halek!”(kumusta!) pag bati ko sa yo.. Ang sagot mo naman sa kin e “I don’t want to eat Italian food”.. hihirit pa sana ako ng “ako gusto ko ng Italian food! Mahal kaya Italian food dito! ” kaso ito na naman yata yung araw na nakalimutan mong wala ka sa bahay mo.. Na akala mo ako yung anak mo…yung anak mo na nakalimutan ka na rin yatang bisitahin..na lagi mong sinasabi na nagpapakasasa sa pera mo samantalang ikaw ay nakaratay sa apat na sulok ng iyong kama.
Sa gabi naman sa bawat pagbigay ko ng mga gamot mo, akala mo na naman ngayon ako ang auditor mo at nasa meeting tayo kung paano pangangalagaan ang sangkaterba mong investments sa iba't ibang bansa..
Minsan ay matiyaga kong pinakikinggan ang bawat hinaing na nanggagaling sa iyong puso.. At sa paulit ulit na pagkakataong tinatanong mo ako kung nasaan na ang mga anak mo kasi mag iisang lingo na silang hindi nakadalaw.. ang tangi kong naisasagot sa yo ay.. Hintayin na lang muna natin sir.. Inshallah (in gods will) maya maya andyan na sila… sabay sambit ng tahimik na panalangin na “sana nga andyan na nga talaga sila” ..
Para sa gabi mahimbing na ang pagtulog mo at di mo na sinasambit ng paulit ulit ang mga pangalan nila.. At hindi mo na rin kelangang kamuhian ang lahat ng tao sa paligid mo tapos magsisisi ka rin sa bandang huli..
Kahit ako ilang beses mo na ring sinaktan ng mga masasakit mong salita at yon ay pilit kong inuunawa hindi dahil sa trabaho kong unawain ka kundi dahil nauunawaan talaga kita bilang tao na may malasakit.
Sabi ko nga dati kung tatanda din lang naman ako ng walang nagmamahal sa kin, mas gugustuhin ko na lang na mamatay ng maaga at baunin ang mga masasayang alaala habang meron pa..
Pero ganon yata talaga ang buhay.. Minsan kailangan ng isa na gumanap sa isang papel para mamulat ang nakararami na ang mga ganitong kwento ay nangyayari at binibigyan pa tayo ng pagkakataon na gumawa ng hakbang upang wag dumating sa puntong ginugugol mo na lang ang bawat araw na natitira sa iyo na nakatingin sa malayo at naghihintay….
Naghihintay sa pag alala ng mga taong minsan ay naging dahilan upang ikaw ay mabuhay.
1:00 AM
hasus..dalming ta ki a.
promoted ur site.
2:15 AM
tats talaga ako sa pag promote mo papi kaso uwa gani makon ako ga sabat sa tag hay.hehehe
3:16 PM
ha ha natabueo ako a. uwa ka gasaba sa tag? hahaha sabti eon abi, mahuya ka man! ha ha ha
3:26 PM
ava ava ag naghambae do wa man gani nagsabat sa nag tag kana hehehehe. gin tag ka man ni george. hueaton ko anay nga masabat ka bago ako ron hehe.
2:02 PM
salamat sa pagdaan... naku. napaka interesante na kwento..
10:48 PM
yung martian talk po ba? hehe!
tenks for dropping by ms lunes..
8:13 AM
Pumatak ang luha mula sa right eye ko. E(mote) b?
Ganyan talaga ang buhay: endless arrivals and departures. kaya ang lesson: leave something for yourself para pag naiwan ka mag-isa, you have sometime to look back at.
Or something to that effect.
10:12 AM
-----> baka magtampo yung left eye.
tara lagyan natin ng eye mo! hehehe!
Post a Comment