Mali na naman ang bigas na nabili ko. Sabi ko nga kasi JASMINE rice ang pipiliin ko kaso nung pumunta ako sa maliit na grocery store sa tapat ng housing namin,
WALANG jasmine rice. Fuck! Pano ngayon yan?
Sa tinagal tagal ko kasi dito sa Saudi, jasmine rice lang ang alam ko na pinoy friendly bigas. Marami as in marami na klase ng bigas ang nilalako dito sa Saudi at malimit confusing ang mga label na nilalagay sa mga sako nito. Usually puro imported ang bigas na benta dito.. Meron daw galing Thailand,Egypt, at pilipinas pero bat ganun?? Pati bigas yata galing sa pilipinas naging arabo??
Unang pagkakamali ko ay nung bumili ako ng bigas ayun sa kulay. Pakiramdam ko kasi pag pareho ang kulay ng bigas sa nakikita ko sa pilipinas.. Pede na yun. So one day naghanap ako ng bigas na nakabalot sa plastic wrapper syempre para Makita ko ang kulay ng bigas na nasa loob nito. Perfect! Golden brown ang napili kong bigas at malalaki ang butil nito.. me mga ganong itsura ng bigas din naman akong nakikita sa mga supermarket sa atin kaya buong akala ko swak ang pinili ko.. pero hindi!! OH NO!
KABSA rice ang nabili ko...
OO nga't malalaki ang butil nito, at totoo din na perfect golden brown ang kulay nya, ang problema lang pag sinaing mo ito, napakatigas kasi sa hindi nakaka alam ng kabsa rice, ito yung bigas na kakasaing mo pa lang pede nang isangag! Meaning kailangan mo syang ilublob sa mantika para lumambot.. di rin yta ito pedeng ilugaw kasi wala syang lasa.. sya yung tipo ng kanin na kumukuha ng flavor sa sinasahog sa kanya.. in other words isa syang kanin na spongha..
Dalawang kilo ang nabili kong kabsa rice. Buti na lang nga at ganon lang kadami ang naisipan kong kunin kung hindi isang buwan akong kakain ng rice crispies. Well since ayoko masayang ang kabsa rice, ang ginawa ko bumili ako uli ng bigas.
This time sinigurado ko na JASMINE rice na ang makukuha ko.. dumayo pa ko sa kabilang disyerto para lang makabili nito at makakain ng kanin na ina asam asam ko.
Pag nagsasaing ako, pinaghahalo ko yung dalawang klase ng bigas at ang resulta ay isang kanin with a crispy twist.. but i don't mind. lamang tiyan din kaya yun.
Mula sa araw na yon ipinangako ko na sa aking sarili na kailanman ay di na ako bibili ng maling bigas.. ngunit sa kabiguan din pala mauuwi ang aking sinumpaang adhikain..
Kahapon lamang saksi ang paborito kung supermarket na tinatawag na SARAWAT, ako ay muling nabiktima ng maling akala..natuloy man at nabitin ang concert ng eraserheads.. paborito ko pa rin ang kanta nilang "maling akala"... at dahil dun ang awitng yun ay inaalay ko sa aking sarili at sa maling bigas na nabili ko...na naman...
..
drumroll...
Ang nabili ko ay MALAGKIT!!!..
syet na malagkit.
3 Houses with Beautiful Wood Interiors
10 months ago
12:19 PM
Tawa ako ng tawa sa post mo. yayain mo ako pag luto na ang biko ha. Denorado ang bigas ko. Mura e. Masarap sana ung Ligo brand, kaso mahal ang presyo.
6:11 PM
ang totoo niluto ko talaga sya kasi dko alam na malagkit yun. then gulat ko nung kakain nako why parang naging biko yung kanin ko..
ligo brand? hahanapin ko yun dito i swear hehehe.. di yun sardinas ha?
sabi nga nila gawin ko daw arroz caldo and champorado yung malagkit... hmmm masubukan nga hehehe.
10:40 PM
carbs. i luv carbs.
basta may mahambae eang ha ha
2:54 AM
hay basta lang man don!
maalin gid abi ako piolo haha.
hambae ko gani king pasikaton ko gid a dayang persona nimo...
may sambato ka eon nga fan.tag kaibahan mo sa commercial haha.
8:08 AM
ahehe natawa ako dito.ipinangako sa sarili na d na mgkakamali sa pagbili ng matagal ng nais na bigas, ang ending eh malagkit tlga and nabili hehe. atleast d na matigas dba yahoooo ahihi. ;)
9:05 AM
yeah hindi na sya matigas.it was malagkit na! ehehe.para akong kumakain ng bubble gum.ang saya!
Post a Comment