Der ati,
Matagal ko na ring nabasa ang sulat mo.Oo binasa ko ang napakahabang salaysayin na yun kasi binilin mong huwag itong ipakita sa kin.Kung sana sinabi mo na lang na basahin ko yun.. malamang dinedma ko lang kung ano man yung sasabihin mo kaso ganon ka naman talaga e.. na reverse psychology mo na naman ako na kunyari wag ipabasa sa kin kasi alam mo na atat akong tao at di ko palalagpasin ang isang bagay na pinagkakait sa kin.In short panalo ka sa round na ito. Ting!.
Nakailang tumbling din ang nagawa ko habang binabasa ang sulat mo. Halos mapaos na nga ako sa kakasigaw ng foul! kasi nakailang balya at siko ka na sa kin di manlang pumipito ang referee. Ano yun bulag at bingi?? tangina san na si tito varela nung kailangan ko sya??Laglagan na nga yata ito at kailangan ko ng fastbreak...Di bale pagsisikapan kong matapos ang larong ito sa numerong 2-8. Kahit di man ako manalo sa iyo sa laro natin.. sisiguraduhin kong panalo ang numero ko sa ending...
Defense...defense.. ang makulit at paulit ulit na sinasambit ni konsensya.. kahit nung mag commercial break na... si konsensya pa rin ng safeguard ang nakatitig at tila nangungutya sa kin. Hanggang ngayon parang naririnig ko pa rin ang dialogue nya na "ako ang iyong konsensya..YOU Suck!.. Tangina magsama pa kayo!!...
Walang personalan..laro laro lang.. kaso parang masyado mong kinarir ang laro natin. Na kesyo pinagtutulungan ka at nakahandusay na nga sa sahig inapak apakan pa!.. Bakit?? ipis ka ba sa baygon na kumakanta ng "i will survive?" ..naman... Para kasing ganon ang tono mo sa pagkanta mo ng lupang hinirang at dinaig mo pa si geneva cruz sa dami ng kulot in between..
Sa tuwing nababalitaan kong umiiyak kana naman at nagkekwento ng walang katapusang hinaing mo sa buhay.. naisip ko ano ba talaga ang gusto mong mangyari?.. Kung ayaw mo sa isang bagay di burahin mo na sa buhay mo! end of the story. Hindi yung ibo broadcast mo sa buong bayan kung gaano kapangit, kahirap, at kung ano ano pang pangit ang meron sa yo.. Ate.. wala si jessica sojo at wala tayo sa oprah.. hayaan mo nang si juday na lang ang lumuha sa telenovela kasi lalong umaasim ang mukha mo pag umiiyak.. payo lang.
Panalo ka ate. kasi natupad ang pangarap mong masolo kung ano man ang meron sa yo. Hindi ko naman hinahangad na maambunan ng grasya galing sa inyo kasi baka ipamukha mo na naman sa kin ang bawat tulong na naibibigay mo. Sana lang ate sa susunod na magbigay ka ng tulong ay huwag kang umasa ng kapalit.. Ang tulong ay binibigay.. hindi po ito investment. Ang utang na loob ay parating nandyan at mataas ang pananaw ko dun.. hindi mo na kailangang ulit ulitin ng paulit ulit ang listahan ng kabutihang ginawa mo.. Alam na ni Lord yan.
Hanggang sa susunod na rematch. Tatayaan ko uli sa ending ang numero natin.
sumasaiyo,
3 Houses with Beautiful Wood Interiors
10 months ago
12:55 AM
may heartache! lupit nito a. yaan mo na yon. masyado mo atang dinadamdam.
8:45 PM
nasobrahan lang yata sa kape..hehehe!
7:34 AM
Meron kaming kamag-anak na ganyan. Kulang nalang ilagay sa ads ang mga tulong na naibigay. Palagi pang nire-remind ang pobre sa mga mabuti nyang ginawa sa kanila.
1:04 PM
SAD TO KNOW NA MARAMI PALA TALAGANG GANYAN NA TAO.. actually this happened a few year's back at pilit ko nang kinalimutan yung nangyari pero ganon yata talaga.. mahirap gawin lalo na't tumatak na sya sa isip ko at tumagos hanggang balun balunan ko!. sama na natin pati atay at baga. hehe.
10:36 PM
hay sana nga marami naitulong siya... kaysa dun sa kakilala ko na ang lakas manumbat, akala mo ang laki ng naitulong at ang dami sinakripisyo eh halos wala naman tlaga.
2:34 AM
ironic nga kasi hindi naman talaga sa kanya galing yung tulong... kumbaga, sa kanya lang pinapadaan and yet....
4:51 PM
nakakainis ang mga taong ganito. yung feeling nila, matapos makatulong pwede na nilang kontrolin ang buhay ng mga tinulungan nila
6:23 PM
and worst pag di nasunod yung gusto nila.. isusumbat nila lahat ng tulong na naibigay sa yo..yung tipong parang wala kang utang na loob...hayzzz.
Post a Comment