magicsaucer
virtual diary
Showing posts with label khamis. Show all posts

LAKLAK

Nabalitaan ko kahapon na may siyam tayong kababayan na hinuli dahil sa toma.. Hindi man ako nagulat sa balitang ito.. hindi ko rin maiwasan ang mabahala. Ilan kasi sa kanila ay mga babae.

Bawal silang bisitahin sa kulungan kaya kahit yung kaibigan ko ay wala ring maibalita sa kin kung ano na ang nangyayari sa kanila. Isang seryosong usapin ang alak dito sa desyerto at alam naman ito ng halos lahat ng nagpupunta dito. Ayokong manghusga ng tao kung bakit nila ito hinayaang mangyari kasi may kanya kanya tayong dahilan kung bakit natin ginagawa ang isang bagay. Ako man ay nagawa na ring magpakalashing sa alak dito. Ang kaibahan ko nga lang - hindi ako inabutan ng malas na mahuli..


KHAMIS MUSHAYT

Ito ang lugar kung saan ako unang nagtrabaho dito sa kaharian. Di gaya ng iniisip ng iba pag sinabi mong saudi, malamig ang lugar na ito. Ayon sa wikipedia:

"Khamis Mushait خميس مشيط Khamis Mushait) is a city in south-west "Saudi Arabia", located 35 minutes east of "Abha" the provincial seat of the "Asir" province in southwest Saudi Arabia. Until the 1960s Khamis Mushait was a small town of less than 50,000 servicing the surrounding mild-climate agricultural region. Since then its population has grown eight-fold to reach 446,467 census). The city used to be the capital of"Shahrani tribe, one of the biggest tribes in Arabia, nowadays, the tribe populate almost 70% of the grown city. The city's name comes from the weekly market that is held each Thursday, and "Khamis" simply is the Arabic word for Thursday. Whereas the word "Mushait" refers to the leading family of "Shahran"tribe, and the current Mayor of Khamis Mushait is Saeed bin "Abdulaziz bin Mushait.

Kung ikukumpara mo ang lugar na ito sa pilipinas, Para itong Baguio na maraming pine trees, malamig ang hangin, madaming bulaklak, maraming farm ng gulay, at umuusok ang hininga mo pag gabi lalo na pag winter. Ang catch phrase nga dati ng agency nung tinanong ko kung ano nga ba tong Khamis.. ang sabi nila Khamis Mushayt is the Summer Capital of Saudi Arabia. (oha baguiong baguio di ba). Pero totoo nga yon pramis.

Mula nung dumating ako sa Khamis, kinamulatan ko na ang walang humpay na inuman.

Tuwing huebes ginagawa ang lingguhang pagtitipon dito. May lugar na tinawag na "oasis" kung saan sa pagkaka alam ko at pagkaka alam din ng lahat ay di pwedeng pasukin ng may kina uukulan.Malayang nakakapag halubilo ang babae at lalake dito at syempre pa merong inuman dito linggo linggo. Nagiging isang malaking house party spot ang lugar na ito at ina abangan ng marami ang pagsapit ng huebes dahil dito. Dito rin ang pinag ugatan ng hindi na mabilang na pagkaka mabutihan ng sandamakmak na nababatong mga puso na pilit hinanap ang kaligayahan sa isat isa.. Sadly, sa araw ding ito nangyari ang nilalaman ng post na ito..

Photobucket
Khamis Mushayt at Night Circa 2006

I really felt sorry for all those people who got caught. I won't say you deserved what got into cause i feel you.

Like a true blue filipino i will instead say.. "makakaraos din tayo". Inshallah
Read On 6 commented

Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic