magicsaucer
virtual diary

housemate


Alam mo yung tipo ng tao na pag nanonood ng movie e feel na feel ang bawat eksena ng pelikula?.. Yung nag oofer pa ng words of encouragement sa bida habang sumisirko sirko sa laban?.

oh well natagpuan ko na siya. Siya yung bago kong housemate!..hehe.

Introducing the housemate!..sa bahay ni baba(arabic term for father)(applause! applause!)

Di ko alam kung matutuwa ba ako o mayayamot sa kanya sa tuwing nanonood siya ng pelikula sa TV kasi aakalain mong kasama siya sa eksena habang hinahabol ng elepante si Robin Williams sa "Jumanji".Minsan naman habang busy ako sa pagko contemplate kung pano ko mapa level ang character ko sa mafia wars e bigla nalang may kakalabog na hindi ko mawari.. syempre si housemate lang yun as usual na na carried away na naman habang muntik nang ma deds ang bida sa "I know what you did last Summer"...

Dapat kasi talaga "High School Musical" na lang ang pina panood niya e...para, you know.. masaya!.. LOLz.

So whenever i get to be at the sala while he's watching TV, dapat may nakapasak na headphone sa tenga ko para hindi ako atakehin ng nerbyos everytime he felt the need to freak out sa bida ng pinapanood niya kasi nga naman ba't ba nagpapabugbog sa kalaban?!!!:) sos yan.

But the irony of this kwento is that he is not the only person i know who shares this habit of being so... pano ba sabihin yun?? passionate?? impulsive??..err.. whatever.basta ganon.

At least hindi naman siya yung tipong announcer sa boxing na nagbibigay ng blow by blow detalye sa bawat nangyayari sa laban... and worst..yung tipong nasa ending na ang kinukwento niya habang nasa kalagitnaan ka pa lang ng pinapanood mo...pag ganon pa siya ewan ko na lang!!:)

------------------

Belated Happy Birthday to me!..hehehe.. Sensya na di ko na naisipang gumawa ng birthday post loaded with photo greetings and stuff kasi you know busy kunyari.If not nga for one kind doctor who allowed me to use his internet access while at work ngayon e hindi ko pa yata magagawa tong update nato.

For all those people who remembered to send me text messages reminding me that Im a year older. Thank you thank you talaga..kaka touch^_^ pramis.


P.S.
yun nga palang piktyur sa taas ay walang kinalaman sa post na to. gusto ko lang kasi may picture e default lang ang naka save sa pc..hehe.

12 commented:

Pre, bigyan mo nga ng Porn Movies yang si Housemate, tingnan natin kung ano magiging reaction nya hehe


well at least napatunayan mong nappay attention talaga sya sa pinapanuod nya... hehehe
feel na feel... ilag ka lang minsan dahil baka matamaan ka ng kung ano sa sobrang pagkamadamdamin nya sa pinapanuod nya
hehehehe

babushki sir madjik!


Haha nakakayamot nga 'yang mga ganyang tao 'pag tumatagal. Masyadong OA. Pero pagtyagaan mo na lang. Siguro naman meron siyang ibang traits na maganda.


pagawain mo ng movie review para naman malaman naten kung naiintindihan natin yung pinapanood nya

hahahaha
kung ako ang kasama nyan sa haus baka hinampas ko na nang kawali yan sa pagkagulat ko
lols!

belated happy birthday pala
\m/


Mas okay nalang yang "housemate" mo. May kilala akong pagnanonood ay parang bingi. Ginagawa kang "interpreter" at tanong ng tanong kung ano ang sinasabi ng mga "cast".


ako naman pag nanuod ng drama, natatawa. kaya may naasar lagi sakin...kanya kanyang trip lang daw sa panunuod.:)


Belated happy birthday. Xnxia na at late ang pagbati. Kaya lulubus-lubusin ko na: happy eid and welcome back!!!!!

On your post: hmmm...napapanay siguro ang MBC Action ni Baba kaya ganun. Pasensiyahan mo na. Excited lang ung matanda. Passionate lang sya sa kanyang pinapanood.

Me napansin lang ako, huh. Me pagkakolehiyala ang post mo. "But the irony of this kwento..." ka jan! Hehe.


matsa gakasugot kami it hausmate mo a.

ipatan aw mo kana ro GLEE agud mas masadya. ginatan aw ko abi ron hahahahaha

kung may ma download ka nga libro nga PARA KAY B paki send lang (nag request pa ako hahahaha)

ok bye


napadaan. at sisiguraduhin kong babalikan ko ang blog na 'to.


Nyahay, kakatuwa naman post pic mo hehe -- lagi ko ata nakikita yan sa computer ko hehe. anyway, masaya na rin na may ganyang housemate ka -- nakakalibang. congrats.


ouch! parang tinamaan ako dun ah... hehehe... pero hindi naman masyado, hindi ako yung OA... Medyo maingay lang ako minsan kapag nanonood ng TV o Sine...


uubra kaya kay big brother yan?


Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic