magicsaucer
virtual diary

make me rich?


Madalas nung kabataan ko naririnig ko sa iba na pag nakakita ka daw ng "falling star" e dapat mag wish ka kasi tiyak matutupad yung hiniling mo. So pag gabi para akong tanga na nakatingala sa langit nagbabakasakali na makakita ng "falling star" para nga naman maka pag wish pag nagkataon.

Pero sadya yatang mailap si "falling star" kasi di naman nagpapakita sa kin at lagi akong ini indyan. Ano yun na trapik lang kaya? o baka ayaw niya talaga akong bigyan ng chance na makapag wish kahit minsan lang.Booo...Unfair naman yata yon..

Pero Naisip ko, what if bigla nga akong makakita ng "falling star"? ano naman kaya ang hihilingin ko?, kotse? yung red?? di kaya kalabisan naman na yun at parang di yata realistic.Di naman kasi ako mahilig magsasali sa kahit anong pa raffle ng winston,phillip at marlboro at malabo naman yatang mangyari na basta na lang babagsak sa harap ko yung minimithi kong car once i did the wishing part.So isip isip uli ako.. di kaya maganda kung i generalize ko na lang yung wish ko like ano kaya if kayamanan ang i wish ko?!!..hmmm pede!!(evil grin). So final na. pag nakakita ako ng "falling star" ang iwi wish ko ay "make me rich!! bwahahaha!. I can buy nga naman whatever i wish pag mayaman nako including that red car di ba??.

So everytime I went out at night nag-aabang ako sa langit for that elusive "falling star" armed with my "make me rich" wish.. And eto na nga.One cloudless night ayun o!! at may "falling star"!! Kaso sobra yata akong na amaze sa nasaksihan ko at nakalimutan kong mag wish! grrrr..Lost opportunity..pagkakataon ko nang yumaman ika nga at pinalampas ko pa. Di bale,I'm sure if may first time marami pang susunod na malalaglag and I'l make it sure that next time magwi-wish ako just before the star disappears itaga man sa bato..

Until now pag nakakakita ako ng "falling star" automatic na yung wish ko na "make me rich!" and I know na niloloko ko lang ang sarili ko kasi kahit nakailang "make me rich" wishes na ako paglipas ng panahon e poor pa rin ako till now and I still dont have that car.yung red!.

But I kept on wishing whenever i see one fallen star.It's not that I was expecting to be rich but it just makes me feel good that i might be one someday. Malay mo magbago ang isip ni bro "falling star" and pagbigyan nya ko for a change!! ahahah!. It's a happy thought and I'm sure anyone who thought about it will feel good kahit at the back of our minds, we know that its just foolishness.

I'm way past that stage where I am merely wishing for something. I know that to make it work I have to do something to get my wish granted. It is only me that can make it happen and I know that wishing on that fallen star was just a start in fulfilling those dreams..

pero aminin mo kahit ikaw e nagwi wish pa rin hanggang ngayon pag nakakita ng falling star..hmmm

>>>nga pala this blog has turned 1.
>>>nakuhang huminga after several blog apneas hehehe.

a big thank you sa lahat..

magicsaucer lives on!.


6 commented:

pards, bianabate! este! binabati kita sa iyong ika-isa...

mag ka -isa
at magsama

tayoy i- isa!

number wahid!


Una, congratulations, Madjik! Parang kelan lang no? Naka-one year na tayo. I mean, naka-one year na ung blog mo.

Hmmm...I totally agree. Lahat ng tao kapag nakakita ng falling star, nagwi-wish. Kahit ako.

Pero hindi kaya matagal ka nang pinagbigyan ng bituin. Matagal ka na nyang pinayaman pero hindi mo lang alam.

O kaya nama'y hindi kaya dapat specific ang request like "make me monetarily rich...so rich that I no longer need to work abroad at pwede na sa Pinas na lang, blogging 24/7 and if I chose to, swim in my own pool or jetset elsewhere abroad...' parang ganun. (Kaya lang sa haba ng wish, e malito ung star).

Ano'ng wish ko pag may nakita akong falling star? Teka...meron akong listahan e (me ganun?!!!).Hehehe.

Congrats ulit, Madjik.


lols!
i really enjoyed reading this. it was quite a fancy for me. hahaha.
when i was a kid, i thought of that too but it left me depressed. so, now, i never dealt my decisions or aspirations from chances. just to be sure enough...

well, congrats too. great:)


Hapi aniberyari! Sa akin ang wish ko - World Peace. : )


Uy, ramadan kareem na!


Ui, tamang tama, first time ko po dito, Happy Anniversary!
Di pa ako nakakakita ng falling star, talagang mailap sila. Pero sa ngayon pinag-iisipan ko na ang ihihiling ko kung sakaling makakita ako ng kahit isa man lang.
-www.panulat.co.cc


Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic