"sir good day sa yo..
siguro you are wondering why a stranger sent you a message here in friendster..actually, it was a long chase before i spotted your page (in some website with expat pinoys) but my purpose here is to ask you how's life there in jeddah? i would like to have some background kasi on what wud it be like living in there..and tamang tama, u'r a nurse, kasi i'm a colleague. i will have my interview in an agency in which dyan sa jeddah ako maaassign. i will ask also some pinoys like you in saudi arabia so that i cud come up with a decision if tutuloy ba ko sa interview ko. it wud be a big help sir if mabibigyan nyo ko kahit konting background lang then ako na bahala magdecide. well shempre i know andyan yun sacrifice, hirap and sadness from being away from home pero i wud like to know more pa like if the arab employers ba e ok sila sa mga pinoy lalo na sa mga babae and stuff like that. sir thank you so much for your time reading this and i hope u would get back on me. Godbless."
I got this message from my friendster inbox and because of this letter I've decided to postpone my blog hybernation and take the spotlight once again..naks!. Medyo matagal-tagal na rin akong nawala sa ere at mantakin mo yun next month e one year anniversary na pala ng virtual diary kong to.Woot!
Admittedly bago pa ako nakarating dito sa Gitnang Silangan, ang pagkakakilala ko sa Saudi ay isang mainit, mabuhangin, at nakakatakot na lugar..where people are being abused sexually mapa babae man o lalake..
While almost all of my pre-conceived ideas about Saudi are true,for almost 3 years that I had stayed here sa mainit at mabuhangin na lugar na ito.. I could say that Saudi is not as bad as I thought it was. This country has provided me with a job where I can support my family financially. While it's true that working away from home was one of the hardest part of being an OFW, at the end of the day.. It is nice to know that you were able to feed hungry mouths in the Philippines and make life a little bit easier for them. It made me feel blessed kahit alam kong mahirap not only for me but also for those I left behind.
Now, let's go back to your letter. You asked me how life is here in Jeddah?.Sa halos dalawang taon kong pamamalagi dito I could say that this is an OK place. What I mean is mas lenient sila sa mga cultural norms dito unlike sa ibang parte ng Saudi.It might be because mulat na ang karamihan dito sa western culture and most locals who live and work here ay may pinag aralan or galing sa ibang bansa para mag-aral. Of course from time to time you would find uncouth and uneducated persons but like in any other place makakakita ka rin naman ng mga ganun. Ang napansin ko lang mas maraming edukado dito and most of them can speak english.
If you're planning to work in Saudi I would say Jeddah is a nice place to start.Jeddah is a Coastal City so pede kang mag beach in your leisure time gaya ng ginagawa ng karamihan dito.It is also here where you can find Big malls so kung mahilig kang mag shopping, Jeddah is the right place for you.Mainit dito! OO aminado na tayo dun pero hindi ko pa na experience ang ginagawa ng iba na kelangan mo pang mag palamig ng pampaligo dito kasi sobrang init ang lumalabas na tubig sa gripo. In other words based on my experience tolerable ang init dito sa Jeddah.
Regarding Arab Employers, Generally mababait sila sa mga Pinoys.Be sure lang na legit ang employer na ibibigay sayo ng agency mo. Marami na rin kasi tayong kababayan na naloloko sa kontrata pagdating dito.If I were you apply ka sa Hospital na may maganda nang track record base sa mga nagtrabaho na sa kanila. So far magandang mag apply sa Government Hospitals dito kasi maganda ang benefits na binibigay nila. Although madami ding private hospitals na matino like where I am currently employed, iba pa rin ang may Government backing sa likod mo.
Kahit papano I could say na maganda ang tingin ng mga lokal dito sa Pinoy health workers kasi almost more than 50% ng nagtratrabaho dito ay Filipino. Sa hospital nga where i work, almost 85% of thier employees ay Pinoy. Kung isang araw mag welga ang mga pinoy. Sarado ang Hospital.
You might already know na may certain limitations ang galaw ng babae dito sa Saudi dahil nga sa iba ang kultura nila kesa sa tin but sa nakikita ko naman sa mga kasama ko dito e madali din naman silang nakakapag adjust. Konting abaya at konting tarha lang OK! na. (eto yung itim na suot nila dito).
Just be sure lang na if ever you decided to come and work here ay dahil sa gusto mo.
Na aware ka na kasama sa bagaheng dadalhin mo dito ang kalungkutan.
Na ang reason kung bakit ka pupunta dito ay makakapagpabago ng isip mo once you decided to quit.
na wag naman sana mangyari...inshalla.
Good luck Dess and sana nakatulong ang post ko na to sa yo...
madjik
3 Houses with Beautiful Wood Interiors
10 months ago
2:23 AM
May opening b jan parekoy? lolzz
Nice info pre, salamat
2:26 AM
Nga pala pre, pwede ko ba i-link to sa KaBlogs Jobs Site? at least man lang malaman din ng ibang kababayan natin na nagbabalak pumunta jan sa lugar mo :)
3:44 AM
weeeeeebeeeeeee sir madjik!
bwahahaha.. i have to read it twice sa side bar ko.. i thought my eyes were just playign tricks nung makita ko na may update ang magicsaucer.. lol
"I've decided to postpone my blog hybernation and take the spotlight once again..naks!.
---- spotlight talaga hahaha.. had i known na letter lang ang makakapagpalinis sayo ng blog mo... sana araw-araw kitang pinadalhan sa fs ng letter ..isama na ang multiply at FB hahaha...
hindi ako makafocus sa content ng entry mo ahihihihi nabigla pa rin ako sa pagblog mo ngaun hahahaha
ingats sir madjik!
Godbless
7:47 AM
CM:
may jobsite na pala ang ka blogs?? ehehehe. sure sure pre para kahit papano makatulong din tayo sa mga baguhan at nag aalangan.
YANAH:
masyado bang nayanig ang world at dika makapag focus? ehehehe!.
OO at spotlight talaga yan.. ika nga ni erik santos at martin nievera..this is the moment!! toink! corny.
e hello mo nga pala ako sa mga inakay mo^^
9:08 AM
hi..nakibasa ulit ng blog mo=D
maganda itong post mo na ito para sa mga katulad ko na baguhan dito sa lugar kung saan mainit at mabuhangin.
ako din dati, akala ko bad ang mga arabo..hindi naman pala lahat.
at safe talaga ang mga babae dito lalo kapat government hospitals ang napasukan=D
babalik ako diti ha=D
9:19 AM
Dear Letter Sender,
Maganda ring mag trabaho sa Khobar, Dammam at Jubail dahil pareho ang klima nito sa Jeddah at pareho rin ang utak ng mga arabo. Huwag kang pumuntang Riyadh dahil nandoon ako. : )
10:49 AM
Ayos!!!Salamat pre,gawin ko mamaya sa barracks...
Eto ang KaBlogs Jobs Site http://thoughtsmoto-jobs.blogspot.com/ nag uumpisa pa lang at sana marami mag email ng job opening :D
1:24 PM
pards...pwede kang dear kuya magic!
totoo yung last part na sinabi mo.
"Just be sure lang na if ever you decided to come and work here ay dahil sa gusto mo.
Na aware ka na kasama sa bagaheng dadalhin mo dito ang kalungkutan."
para sa unang tungtong ay handa na.
7:37 PM
maligayang pagbabalik sir magic.
buti na lang may sumulat sayo.
gumagalang plurk.hehehe
9:04 PM
DOC RIO:
wow dito kana rin pala sa mid east!. naalala ko naman bigla yung dentist friend namin while i was still working @ k.fahad military.. la lang naalala ko lang hehehe.
see you around doc and salamat sa pagbisita!!
BLOGUSVOX:
Natawa naman ako dun sa wag sa riyadh kasi nandon ka hehehehe!!
Ganon??
CM:
sige sige mapuntahan nga yan baka sakali may opening nang makalipat na hehehehe.
EVER:
ah ganon dear kuya!! hehehe! hmmmm.. pede!!
POGING JAMES:
salamat salamat!! sana nga tuloy tuloy na to!!!
lovelots,
plurkbuddy
9:16 PM
TOINK!!!!!
Musta na Majik?
I know ok yang KSA. Eh sa tagal ba namang experiences meron sila mum and dad dyan before... More than 10years sila dyan so I know OK.
6:16 PM
syempre dapat mag comment man ako no.
10:08 AM
Nice post.
Maganda nga sa Jeddah. I also worked for a government hospital from 2007 to 2009. Sabi nila mas maluwag dyan, pero ngayun dito na ako sa Riyadh. Kung i-compare ko, sa palagay ko pareho lang. Hindi na kagaya dati dito sa Riyadh. Maluwag na rin dito.
Post a Comment