magicsaucer
virtual diary

Bagong Bayani

Labels: , , ,
A fellow staff was absent for 3 consecutive days and even if I'm not soliciting information about why she didn't go to work, I couldn't help but hear almost everyone talking about her.

So to satistfy my growing curiosity I finally asked one group..

"Kuya, kasi ano.. gusto na niya umuwi sa Pilipinas!, pinapauwi na daw siya ng asawa niya!"..

"ahh ganon ba?? sayang naman di pa niya hinintay bakasyon nya"..

"wait for vacation?? e gusto na nga umuwi ng tao!!"

E kasi naman I knew that few months from now she will go on vacation meaning she can go home free of charge at higit sa lahat bayad!.

Now what she did was lock herself in her room, not go to work for 3 days, never accepted any calls or visits from her friends in short. gumawa sya ng sarili nyang mundo.. which is really fine naman din sa kin if that's what she really wanted kaso nanghihinayang lang ako sa effort niya pagpunta dito sa Saudi..

Nanghihinayang ako for the opportunity na mukhang mauuwi pa sa pagbabayarin sya ng contract nya, magbabayad sya ng sariling ticket, at sana wag naman umabot sa puntong ma blacklist sya... kasi uulitin ko, sayang nga kasi.

Nanghihinayang ako sa milya milyang paglalakad na ginawa mo at ni bunso kaka apply sa agency sa Makati,Mandaluyong,Malate,Pasay,Quezon Avenue.. at kung saan saan pang sulok ng Chinatown kung saan nakatirik ang opsina ng agency mo..

Nanghihinayang ako sa ibinuhos mong emosyon nung muntik ka nang makipag away kasi siningitan ka sa DFA, NBI, sa Census,sa Clinic at kahit na nga rin dun sa seksitary na lang ng agency e muntik ka nang makipagbuntalan kasi sabi mo nga tatanga tanga..

sayang...

But seriously I just feel sad cause I know one of the reasons why we came here was to make our lives better and earn money to send back home. Otherwise ba't pa tayo pupunta dito para maglinis ng dumi ng may dumi kung kaya din nating kitain sa Pinas ang kinikita natin dito di ba?.

Pero sabi nga nila kanya kanya tayong diskarte at issue sa buhay.
kung ginusto mo yan, kailangan mong panindigan..

Sana nga lang huwag ka magsisisi sa huli kasi isa ako sa mga taong malulungkot para sa iyo at sa pamilya mo..



29 commented:

sayang naman kung uuwi siya sa pinas dahil lang sa pagpapauwi sa kanya ng kanyang asawa, pero ok lang kung may trabaho naman ang kanyang asawa na dadatnan dun at may sapat na sahod na pang sustento sa pangangailangan ng kanyang pamilya.

sana pag-isipan niyang mabuti ang gagawing action para hindi siya magsisi sa bandang huli.


Iba iba kasi talaga ang approach ng tao sa mga problema. Merong matatag, merong madaling sumuko. Merong dinadaan sa tawa, merong sobrang seryoso.

Pero tama ka, sayang naman kung magpapatalo siya sa hirap at lungkot ng pagiging OFW. Pero wala ka din namang magagawa. Kanya kanyang laban 'yan.


pero minsan, priorities pa rin nila sa buhay yan eh. some people just can't live without each other. and some even let other people decide for themselves. sa ilang taon na pagiging OFW, dami ng ganyang tao ang nakilala ko rin. hindi ang lungkot ang nakikita kong rason, hindi ang pagiging homesick. marahil ang takot na kapag may nangyari sa sino man sa kanila, yung pag sisisi at guilt feelings ang mananaig. opinyon ko lang ha.


Sayang na sayang talaga. personally, nanghihinayang ako sa tsansang palalagpasin nya, this one coming from someone whos in a bad situation right now. kung ako lang yan.... hindi ko sasayangin ang pagkakataon.. tama, kaya ka nga umalis ng Pinas para maging maayos ang buhay mo at ng pamilya mo. tapos nang dahil alng sa pinapauwi ng asawa uuwi sya? well, i just hope that what she's earning there eh kayhang kitain or higitan pa (para sa ikabubuti ng pamilya) once na bumalik sya ng Pinas..sayang talaga.. tsk tsk tsk...


poging(ilo)CANO:
Gusto kong isipin na uuwi syang maayos naman ang dadatnan nya sa Pinas.. sana nga talaga.

The Gasoline Dude:
Tama ka wala tayong karapatan na humusga sa feelings nya kasi iba iba tayo ng nararamdaman kahit na ba nasa iisa tayong sitwasyon.


wickedcurse:
Sabi ko nga iba iba tayo ng nararamdaman sa iisang situation therefore iba iba din ang approach natin.

while it might be true na guilt feelings marahil ang dahilan kung bakit sya uuwi, i couldnt help but feel sorry for her kasi sayang ang opportunity na pinakakawalan niya.

~yAnaH~:
sabi nga nila "you will never appreciate the true value of what you presently have till you lost them"..

Sana nga mali ako sa akala kong ito and things will turn out right for her when she got home.

Sana kung ano mang problema meron sila ng asawa nya, ma solve ng pag uwi nya.


ponCHONG:
Hindi naman sa pipigilan natin sya sa decision nya kasi kahit gawin pa natin yon wala pa rin tayong magagawa e.

We just wanted to open up her mind to other options that will not compromise her status dito. Yung tipong uuwi siyang patas man lang at di lugi.

baka kasi nakalimutan nya ang reason kung bakit sya nangibang bansa in the first place..

It's not all about money but the fact that you came here means you needed one.(paputol ko titi ko pag may nagsabi na di nya kelangan ang pera sa saudi!)

Ang foint ko kasi, dapat di ka na lang umalis ng bansa in the first place kung ayaw mong mawalay sa sinuman para hindi naaksaya ang oras mo at ng mga taong nakapaligid sa yo.

TAMA na ang haba na ng sagot..
sa presinto na ko magpapaliwanag!

:p


i've never worked abroad but i hear homesickness is such a killer, kakapanghinayang nga di biro ang investment na ginagwa pag umaalis ng bansa..

cguro di niya na rin tlga kaya..

hayz


Anonymous

Ganun naman talaga ang ating problima pag tinamaan ng bahayanim at pinipressure ka pauwiin ng asawa, at di pa sa takdang panahon ang pag uwi dahil may kontrata ka pa, ang gagawin mag rerebelde yun di papasok sa trabho, sabi nga kanya kanya tayong desisyun sa buhay nakakapag hinayang kahit saang angulo tingnan..

kaya suportahan na lang ang disesyun ni kabayan.

Day! kong san ka masaya suportahan teka!.. hehehehe


hindi lamang ang mga OFW ang nalulungkot.

ang mga pamilya din nila sa pilipinas meron ding pinag dadaanan na lungkot.

kung minsan hindi matutumbasan ng pera ang mga panahon na sana magkakasama kayo

yun lang. o ha.


Agree ako sa lahat nung sinulat mo...
pero sabi daw... kung mag loka lokahan ka pag uwi mo ng Pinas, may 150,000 Php kang matatangap from OWWA (?).


naisip ko tuloy kung nasa ibang bansa na ako...kayanin ko kaya? palakasan din lang siguro ng loob no? hays...

but i agree...it's sad. all the hard work parang mawawala.


Sayang nga. Well siguro, marami siyang iniisip at naguluhan. Ewan. sana naman maging ok ang lahat para sa kanya.


alex
I must admit the moment na umalis ka and the following week to a month will be the most difficult times for anyone kaya nga dapat when you decided to leave abroad especially sa middle east, buo ang loob mo..

Abou
If what is important ay ang pagsasama niyo ng buo with the whole family, why leave in the first place??.. Sabi ko nga dati sa asawa ko kung nakakabusog lang ang pagmamahal.. dito na lang ako at magtititigan na lang tayo buong araw!..*chos* :p


bomzz-in-iraq
makakarating kay inday ang taos puso mong pagsuporta!! hehehe..

KRIS JASPER
ows? di totoo yun!.. pero kung may katotohanan man yon.. ano kaya magandang act para sa kin?? hahahahaha!. taena


lucas
kalimitang sinasabi sa PDOS. pag umaatake na ang home sickness just remind yourself kung bakit ka nandito at nagpapakakubang magtrabaho... it worked for me several times.

arvin
In some ways di ko rin sya ma blame why she has to decide something like this..and i think it's better na lang nga din that she will leave kesa naman sinasaktan nya yung sarili nya.. nakakapanghinayang... but Im hoping for the better sa kanya.


ahh i see...kelangan talaga ipaalala mo sa srili mo yung purpose m dyan. medyo makakalimutin nga ang mga tao.

---
ang lalakas nga ng mga loob nila eh. sobrang bilib nila sa sarili nila to the point na parang hindi na nila naririnig yung boses nila. at least they have the proper self-esteem. :) hehe!


ngak...sayang nga...ang daming nagpapakahirap mangibang bayan... at syang nandun na eh...sinayang...ngunit, datapwat, subalit...maaring may mabigat syang dahilan bukod sa gusto lang nyang umuwi...kung anu man yun? sya lang ang nakakaalam


lucas
oo yung parang sa caregiver yata. havent seen it pero lagi ko naririnig sa kwentuhan yung dilogue daw ni ate sharon habang naglilinis siya ng something sa pasyente..ew....:p

Dudong
Siya nga lang talaga at ang langit ang nakakaalam.. ika nga ni Rick Price... only heaven knows!! hehehe!
*sabay kanta*


madjik musta na yung kasama mo dyan?

baka mtinding problema kaya uuwi.

ayaw ko magtsismis pero may kasama rin ako dito, bigla umuwi kasi yung pera niya padala at ang misis niya, nawawala. shhhhh, wag maingay, atin atin lang po.


wawa naman sia.


ganun nga talaga ang buhay..
kung sinu man yung SHE na yan!
teana, patawas nyo nga baka nakulam.. hehehe

jokejoke

kung saan sya masaya eh di dun sya.. may asawa di ba? hehehe
may namimiss yan!loko lang

pero sana kung oks pang makabalik at oks pang magtrabaho dyan, sana magbago pa isip nya..


Anonymous

hindi ko kayang magcomment against what she's doing kasi hindi ko pa naman naranasan ang malayo sa pamilya ko, ever, except nung nagimmersion kami sa laguna ng 3 days... hindi ko parin sila namiss... :D pero nakakapanghinayang nga ang mga effort nya.. sana madaan sa usapan.. sayang ang lahat... kung ako lang nasa lugar nya, i'll take the chance and the risks... kahit malungkot, kailangan nating isipin ang kung ano ang makakabuti sa pamilya natin... magbusy-busyhan nalang muna sya nang di sya mahome sick... at sana maisip nya ung mga naiisip mo...


Mr. Thoughtskoto
uuwi na talaga siya..ayaw na paawat!.

mukhang na todo homesick siya kaya sya uuwi..yon ang balita..

aray! laglag panga naman ako diyan sa tsismis mo hahaha! may mas matindi pa pala!!.

kosa
kulang na nga lang ipa pray over namin baka sakali..:p

baka nga may na miss lang hehehe..

sana nga makabalik siya if ever mag change ng isip..err

Cutter Pilar
whatever it was Im sure may matinding reason kung bakit sya aalis na siya lang nakaka alam..

sabi nga nila thats life..

bahala na si batman.


ganyan talaga ang tao...
iba-iba ang coping mechanism.

pero sana...
nabasa na sya . . . tuluyan na syang naligo.

sayang ang effort nya para lang makaalis sa pinas at makarating dito.

anyway . . . good luck for her.


Duncan
I agree with you.Sabi ko nga sayang di pa nya hinintay ang 3 months kasi due na rin sya for vacation and if she really doesnt want to come back na di wag na siya bumalik..


Anonymous

Pangungulila sa isat-isa ang nakikita ko. Kaya na siguro syang buhayin ng mr. nya kaya pinapauwi na. Kung ang rason ay pangungulila lang, abay hindi praktikal at sa panahong ito, maituturing na kabaliwan.

Only fools suffers the consequences of their foolishness.


BlogusVox
very well said sir sandbox..
pangungulila nga reason as we later found out..

she's leaving tomorrow na..


Anonymous

isa rin ang pangungulila siguro sa dahilan , pero kung nakaabot na sya ng ilang buwan at sabi mo na malapit na sya mag bakasyon, eh bakit hindi nalng nya hintayin yon. cguro may iba pang dahilan na hindi natin alam at ayaw nyang sabihin, na hindi na nya pwedeng ipagpaliban ang pag uwi nya. kung ano man yun sya nalang ang nakakaalam.


bugsbunny
semieeee hahaha
napadpad ka dito sa lungga ko..
salamat salamat...

sabi ko nga sa yo gumawa ka din ng sa yo e hehe..

nways ayun naka uwi na siya.

i hope she's happy although alam mo yun when she came back to the hospital to bid us farewell parang nalulungkot din sya somehow na aalis na siya.. parang na realize niya na di talaga kami kaiwan iwan!!! LOLz


Main Dish

My photo
I'm a practicing Surgical Nurse who decided to create A Virtual Diary from the Coast of Panay to the Coast of Jeddah .. and onwards.

Followers


magic